Una sa Balita

Pakuyakuyakoy na kongresista kumukubra ng 6 digit na sahod

0 1,042

SINO itong dating mataas na opisyal ng Kongre­so (kayo na ang mamili kung Mataas o Mababang Kapulungan) na wala namang ginagawa pero kumukubra ng 6 digit na suweldo sa kaban ng bayan?

Kilalang maangas at hambugero kaya marami ang natuwa nang napagpag ito sa puwesto.

Kaya lamang tila mayroong maimpluwesiyang konek kaya nakabalik pa rin si kumag.

Consultancy diumano ang raket nito sa ngayon.

May kumukuwestiyon din sa isinumiteng bio-data nito dahil hindi umano nakalagay ang de­talye kaugnay sa kinakaharap nitong kaso na may kaugnayan sa pambabalasubas.

Ang kuwento, nangutang diumano ito pero hindi nakapagpabayad kaya estafa ang lakad.

Bukod sa pagiging suwitik, gina­mit din nito ang kanyang puwesto para umakyat ang ranggo ng kanyang misis.
Boss lumaban ka naman nang parehas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy