Una sa Balita

Pakulo ni mayor hindi bumenta

By
0 36

Sino daw itong lokal na opisyal ng gobyerno ang susunod na target ng administrasyon sa kanilang giyera kontra iligal na droga?

Sa nakalap na impormasyon ng petmalung spy na si Mang Teban, mainit daw sa Palasyo itong si mayor matapos makarating sa kanilang impormasyon na isa ito sa nagpapalaganap ng droga sa kanyang nasasakupan.

Itong si yorme, kila­lang epal dahil sa dami ng pakulong ginagawa sa kanyang bayan para lang magpabango sa kanyang constituents.

Kahit na daw labag sa karapatang pantao, larga pa rin ang alkalde dahil sa kanyang paniniwala na tutukuran siya ng Pangulo sa kanyang mga ginagawa.

Subalit imbes na ma-impress sa kanya si El Presidente, na bad-trip pa ito sa ginagawa ng mayor dahil pagtatakip lang daw ito sa baho ng nasabing lokal na opisyal.

Hindi umano nakapagtataka na isang araw ay mare-assign sa kanyang bayan itong isang mayabang na police officer na nagpatumba sa kila­lang drug lord sa Mindanao.

Kumbaga, bilang na ang araw nitong si mayor dahil baka mag-resign, mangibang-bansa o kaya ay tuluyang makulong ito kapag siningil sa mga kalokohang pinaggagawa­ nito.

Si Mayor ay nanunungkulan sa isang bayan sa Luzon at may letrang A sa kanyang pangalan as in Adik sa kanyang lugar na talamak­.