Una sa Balita

Pakulo ng mga fan: Angel Locsin for President sa 2022

0 423

Dahil lang sa pakikipaglaban ni Angel Locsin kay Mr. Neri Colmenares, at dahil sa pakikipagsagutan niya sa mga netizen na sumusuporta kay President Duterte, nabuo ang kuwento, panawagan ng ibang fan na, “Angel for President 2022.”

Bonga, ‘di ba? Paano ba nagsimula ‘yon?
Well, pumalag nga kasi si Angel sa nakita niyang video na may namumudmod ng diyaryo na ang laman ay paninira raw kay Mr. Colmenares. At nagsunod-sunod nga ang tweet niya.

Isa nga riyan ay ang ito:
“Ayoko pag inaagrabyado ang kahit na sino.”
At dahil doon, nag-reply naman ang supporter ni Pres. Duterte, at ng mga Marcos.

PresiDebt Duturtle: @Bobong_Marcos “Sana naisip mo yan during 2016 Presidential Election db? Baket ngayon ka lang umaray dahil Tito mo ang nadadamay? Huli na Darna.”

Iginiit nga ng ‘katalakan’ ni Angel na dahil kamag-anak nito si Colmenares, kaya lang ito nagsalita.

“Pero dahil malapit sa kanya saka siya aaray? So kailangan pala maging kakilala mo pa bago ka masaktan.”

At heto naman ang sagot ni Angel:
“Hindi bagay sayo maging troll. Bat hindi ­mo ifocus ang energy mo sa mas may mahahantungan than bashing? Like, mag apply ka kayang writer ng serye? Aral ka ng script writing.­ Tutal magaling ka sa twist sa story, malawak ang imagination mo at magaling kang mag -imbento ng kwento.”

Mahaba pa ang inabot ng sagutan na ‘yan, at marami na rin ang nakisawsaw. Marami ang pumuri sa katapangan ni Angel, at marami rin naman ang suma­lungat sa opinyon niya. Pero ang maganda nga, alam na alam ni Angel ang karapatan niya. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy