Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pako at sinulid art ni Ake

0 72

Small but terrible. Ganyan ko i-describe ang kaibigan ko na si Raquel Pagulayan, 51 anyos ng Antipolo City.

‘Ake’ ang tawag sa kanya ng marami. Nakakabilib ang kanyang angking kakayahan dahil bukod sa pagiging entrepreneur, isa siyang artist. Sa kanyang malikhaing kaisipan bilang pintor at tatoo artist, nagagawa niyang obra ang mga bagay na madalas ay nakakalat lang sa ating mga bahay gaya ng pako, sinulid at maliit na bakal o alambre.

Unang kita ko pa lang sa kanya ay hindi mo aakalain na may taglay siyang galing sa sining. Akala ko isang typical na babae na yayamanin na mahilig lang mag-shopping at makipagsosyalan dahil posturera, prim and proper kapag nakakasabay kong mag-exercise sa gym.

Hi and hello lang kami kapag nagkakasalubong. Hanggang minsan niyaya niya ako sa kanyang bahay at dito laking gulat ko nang makita ang kanyang mga art work na talaga namang nakakamangha at mapapaisip kung paano ito nabuo at nagawa.

Nails and thread visual art ang tema ng kanyang mga likha. Gawa ito sa maliliit na pako na ginagamitan ng makukulay na sinulid na paulit-ulit na hinihila para mabuo ang isang eye catching scenery o subject.

Hindi matatawaran ang galing ng mga kamay at imahinasyon ng taong makakagawa ng ganitong klase ng konsepto na talagang mapapa-OMG ka sa ganda.

Ano ba ang inspirasyon mo sa paggawa ng ganitong sining? tanong ko sa kanya Parents ko at mga anak ko! ang maikli niyang sagot. Bilang breadwinner ng pamilya, naging madiskarte siya sa buhay. Nagsimula sa hobby ng cross-stitching at paggawa ng makukulay na beaded necklace hanggang sa mag-level up sa sculpting ng artificial copper bonsai tree na mabusising gawin.

Kuwento niya, bata pa lang ay nagdarasal na siya na bigyan sana siya ng talent na hindi makukuha ng iba at tila dininig ng Diyos ang kanyang panalangin.

Sa kabila ng kanyang husay, simpleng nanay lang din si Ake sa kanyang tatlong anak. Parang nasa kanya na ang lahat dahil bukod sa pagiging supermom, masarap din siyang magluto. Lahat ay kaya niyang gawin sa bahay na nagsilbing niyang art gallery.

Bukod sa sinulid, patok din ang kanyang bonsai tree na gawa sa copper wire at jade precious stones na magandang display sa bahay o opisina. Tiyak na center of attention at conversation piece agad ang mga ito sa sinumang makakakita nito.

Para kay Ake, isang malaking sining din ang kuwento ng kanyang buhay na pinaghuhugutan niya ng lakas, saya at kulay sa bawat pukpok ng pako at habi ng sinulid na paiikot-ikot sa iba’t ibang direksyon hanggang sa mabuo ang isang abstract o impressionist concept.

Para sa kanya, marami pang kuwento sa mga susunod pang likhain habang siya ay nabubuhay. Minsan sadyang mahirap basahin ang mga mensahe sa likod ng bawat obra pero mangingibabaw na puro at hugot ito mula sa puso.

Maaring bisitahin ang kanyang Facebook page: Habi ni Ake. At para sa anumang inquiries, makipag-ugnayan sa Viber (09065755521).

Leave A Reply

Your email address will not be published.