Una sa Balita

Pakistani kalaboso sa pekeng PH visa

By
0 553

DIRETSO sa kulungan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pa-kistani national matapos maharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagpapakita ng pekeng Phi-lippine visa sa kanyang pasaporte.

Base sa ulat na ipinarating kay BI Commissioner Jaime Morente, kinilala ang 25-anyos na Pakistani national na si Salman Khan, na naharang noong Lunes sa departure area ng immigration sa NAIA Terminal 1.

Si Khan na isang overstaying na dayuhan ay nagtangkang umalis sa pamamagitan ng iligal na paraan sa bansa bago ito ma-offload sa kanyang flight.

“The Immigration officer became suspicious of his documents and his demeanor, so he was referred for secondary ins-pection to members of the BI’s Travel Control and Enforcement Unit (TCEU),” ayon sa ulat.

Lumabas sa imbestigasyon na ang Philippine visa sa pasaporte ng Pakistani ay kinumpirmang peke ng forensic document laboratory ng BI.

Ayon kay BI-TCEU Chief Erwin Ortañez, ang pa­saporte ni Khan ay naglalaman din ng pekeng BI departure stamp na nagpapakita na siya ay duma­ting sa bansa noong Nobyembre 18 noong nakaraang taon. Dinala ang Pakistani sa kulungan ng BI sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang paglilitis sa kanyang paglabag sa Philippine Immigration Act.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More