Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pakakasal na? Jak magpapatayo na ng bahay nila ni Barbie

0 99

Kahit may pandemya, nagawa pa ring makapag-invest ni Jak Roberto. Ang latest investment niya ay ang pagbili ng sarili niyang lupa.

Sa in-upload niyang vlog noong April 16, ipinakita ng Kapuso hunk sa kanyang mga follower ang lote na kanyang nabili na malapit lang sa bahay ng kapatid niyang si Sanya Lopez.

“Bumili na po ako ng lupa, finally, and today po ‘yung transaction namin. Naayos ko na rin sa bangko kahapon. Ganun pala ‘yun ‘no, kapag bibili ka kailangan mo muna i-meet ‘yung seller through broker.

“‘Yung broker ko, nagpapahanap ako ng lupa, then, may nakita siya dun lang din sa lugar ni Sanya. Then, nung nakita niya na ‘yon in-advise niya ‘ko then after no’n nag-request ako ng meeting dun sa seller kung malinis ‘yung papel and walang problema.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tumataas daw ang value ng lupa kaya nag-invest dito si Jak.

“Bakit nga ba ako sa lote nag-invest? Kasi, alam naman nating lahat na mas maganda mag-invest sa lupa dahil tumataas ‘yung value. Nag-invest ako sa lupa kasi matagal ko nang pangarap ‘yon.

“Lahat naman tayo nangangarap na magkaroon ng property. Isa ‘to sa mga nasa bucket list ko na someday uunahin ko talaga kumuha ng lupa and magbi-build ako ng sarili kong bahay. Gusto ko ako talaga ‘yung magpapatayo.”

Well, dahil may lupa na at magpapatayo ng bahay, ang tanong, malapit na rin ba silang pakasal ni Barbie Forteza? (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.