Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pakakasal na ba? Angeline ilalantad dyowa sa concert

0 167

Ang bongga ni Angeline Quinto, na siya nga ang napiling binyagan ang MET (Metropolitan Theatre) sa Manila, ha! Imagine, matapos ang ilang dekada na sarado ito, nakabakod ng yero, at tinatambayan lang ng mga pagala-galang taong kalsada, heto nga ang maganda na ulit, at bukas na para sa mga bonggang show.

Anyway, memorable kay Angeline ang MET, dahil laking Maynila nga siya, at madalas silang dumaan doon ni Mama Bob (pumanaw si Mama Bob ngayong 2021).

Madalas nga raw sabihin ni Mama Bob sa kanya na sana ay makapag-perform din siya doon. Noong mga panahon na`yon, sina Vilma Santos, Nora Aunor kasi ang mga nagpi-perform doon.

“Kaya noong pumasok ako sa MET, naging emotional ako, kasi naalala ko si Mama Bob!” sabi ni Angeline.

Anyway, sa zoom mediacon na `yon ay sinabi nga ni Angeline na maraming dapat abangan sa sampung araw na concert niya.

May mga rebelasyon nga siyang dapat abangan. Mga pasabog na ngayon lang daw niya sasabihin, na nagpapasaya sa kanya ngayon.

“May matinding pasabog po ako. Sa 10 shows na gagawin ko, may mga announcement ako.

“Aaminin ko, ito talaga ang nagpapasaya sa akin ngayon. Masayang- masaya ako dito,” sabi niya.

Walang kinalaman sa career ang announcement na ito ni Angeline, na sabi nga niya ay nagpapasaya sa kanya. Ang hula ng marami, baka magpapakasal na sila ng non-showbiz boyfriend niya, o bubuo na siya ng pamilya.

“Walang kinalaman sa career. Pero, `yun nga, masaya ako, ito ang nagpapasaya sa akin,” sabi pa ni Angeline.

Medyo marami lang ang nalungkot dahil naungkat ko nga ang tungkol sa bagong pag-ibig ni Angeline, non-showbiz guy. Sabi ng mga fan nila ni Erik Santos, wala na raw palang pag-asa ang inaasam nilang pagsasama ng dalawa.

“Wala naman dapat malungkot, eh.

“Ang AngeRic, mahal na mahal namin sila ni Erik Santos. At lagi naman naming pinag-uusapan.

“Kung hindi man nag-work ‘yung sa amin before, may mga dahilan ang bawat isa. Pero never kaming nagkasamaan ng loob ni Erik. Walang ganung nangyari.

“Siguro, wala na rin naman kaming magagawa pa. Ano ba magagawa namin, na magkaibigan na lang talaga kami. Hindi na lang namin pinilit.

“Pero, wala kaming samaan ng loob. Kung magkaroon siya ng relationship, alam ko rin agad, ganun din siya.

“So ‘yun wala naman dapat ikasama ng loob ang AngeRic babies. Maayos kaming magkatrabaho, magkaibigan,” pahayag ni Angeline.

Habang nagsasalita siya ay pinatugtog ang kanta ni Erik, kaya hirit niya… “Bakit may ganiyang tugtog? Malungkot?”

Anyway, ang ‘10Q’ concert ni Angeline ay mapapanood sa KTX, iWantTFC, TFC IPTV, sa Oct. 29, 30, Nov. 26, 27, Dec. 25, 26, Jan. 28, 29, Feb. 18, 19. So, buy na ng tiket sa ng ‘10Q’ sa www.ktx.ph. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.