PAISTARAN: SIS NI JAMES, MAHILIG MAGPASILIP NG ALINDOG!

By

Palaban nga sa ‘pagpapa-sexy’ ang sister ni James Reid na si Lauren Reid. Si Lauren nga ang sinasabing nag-impluwensiya kay Nadine Lustre, na maging palaban din sa pagpapasilip ng alindog, lalo na sa social media.

Si Lauren nga ang kasama ni Nadine nung una niyang pinasilip ang pisngi ng puwet niya, sa suot na 2-piece bikini.

👭❤✌🏼@nadzlustre

A post shared by Lauren Reid (@laurenreidabook) on

Ito nga yung picture na magkasama sila sa batuhan, na tipong akmang tatalon sa tubig dagat, at nakatalikod nga sa kamera.

Sa sobrang taas nga ng cut ng bikini nilang dalawa, ‘yun na nga, lantad na lantad ang puwet nilang dalawa.

At nasundan pa nang nasundan ang mga eksenang `yon nilang dalawa. Na habang tumatagal, pabongga nang pabongga ang pinakikita nila, ha!

At sa latest issue ng Rouge Magazine, si Lauren ang co­ver girl, at topless nga siya, ha! Pero, tinakpan naman ng buhok ang ‘korona’ ng dibdib niya, pero ang hubog ng boobs niya, lantad na lantad pa rin.

“I have been anticipating the release of this shoot since the day it was shot! @rogueonline thank you for having me grace your covers.

I cannot wait to get my hands on a copy of this months’ print. And to everyone involved; it was an A-M-A-Z-I-N-G day.


Dead hot and hard work but amazing nonetheless!” sabi ni Lauren, at pinasalamatan niya sina BJ Pascual, Pam Quinoñes, Maita Baello, Apriel Seguin, John Pagaduan, Quark Henares, at Samantha Lee.

Anyway, si Lauren din ang isa sa mga modelo ng Folded And Hung, at natoka nga sa kanya ang sexy bikini pa rin. Kaya nung summer, sangkatutak ang mga photos niya na lumabas na naka-bikini lang siya.

3 kanta ni Jona, nanguna sa BillboardPH!

Tatlong kanta ni Jona ang pumasok sa unang Billboard Phi­lippines Top 20 Charts, ang Pusong Ligaw, Maghihintay Ako, at You.

“Ang wish ko lang sana makasama ang isa sa mga songs ko. Sobrang thankful ako na tatlong songs ko ang nakapasok sa Top 20. Thankful ako sa mga taong patuloy pa rin na nakikinig sa mga kanta ko,” sey ni Jona.

Ang kanyang rendition ng Pusong Ligaw ang pinakawagi sa BillboardPH Charts dahil nakuha nito ang #3 ranking. Nasa #6 naman ang Maghihintay Ako.

At kantang You, na bahagi ng My Ex and Whys movie soundtrack ay hindi rin nagpahuli at nakamit nito ang # 9 ranking.

Lahat ng awiting ito ay bahagi ng self-titled album ni Jona na inilunsad noong Pebrero, ang kanyang unang album sa ilalim ng Star Music.

Ang BillboardPH Top 20 ay kinikilala ang mga paboritong awiting lokal base sa listenership at purchases data mula sa iba’t ibang platforms.

Ayon sa Billboard.PH, nira-rank ang mga kanta base sa datos na nanggagaling sa streaming activities sa Spotify, Apple Music at Youtube.

Kasama din dito ang download sales data mula sa Apple iTunes.  Katulong naman ang Nielsen Music para mabuo ang listahan ng mga nangungunang awitin.

SHARE