Una sa Balita

PAISTARAN: SHEENA HALILI,

By
0 161

How to be you po? Tanong ng marami kay Sheena Halili, na walang pakundangan na inilantad muli ang kanyang ‘kalaway-laway’ na alindog sa kanyang social media a­ccounts. Kabogera nga ang dating ng sexy photo na `yon ni Sheena, na kuha pa sa Bali Indonesia, na kung saan ay nagbabakasyon ngayon ang Kapuso a­ctress.

Sabi, paghahanda na raw ba `yon sa paglalantad ng alindog ni Sheena sa 2017 issue ng men’s magazine na tulad ng FHM? At siyempre, aabangan daw `yon ng mga male fans niya, na elyang-elya sa makinis na kutis, at bonggang hubog ng katawan ng dalaga.

Pero, marami rin ang nanghihinayang sa alindog ni Sheena, na kahit ang ganda-ganda at ang seksi-seksi niya, mailap naman sa kanya ang mga boys! Hanggang ngayon, parang wala pa ring boyfriend si Sheena, at nung huli nga naming siyang nakatsika, ang inggit na nararamdaman sa mga kasamahan niya sa StarStruck noon ng GMA ang napag-usapan.

Aba, siya na lang yata ang wala pang anak sa kanilang l­ahat. Mula kay Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Cristine Reyes, at iba pa, ha!

Well, hintay-hintay lang naman, dahil for sure, darating din talaga ang tamang lalake para kay Sheena. For sure, hindi naman siya magiging matandang dalaga, na siyang kinatatakutan niya ngayon!

‘Songbird Night’ sa Superstar Duets!

Regine Velasquez
Regine Velasquez

It’s Songbird Night ngayong Sabado ng gabi sa Superstar Duets ng GMA, dahil bukod sa pagiging special guest host, uupo na rin bilang special guest super judge at exe­cutioner si Regine Velasquez, para sa isang matinding biritawanan.

Makikipagsabayan ang panibagong batch ng superstars sa pagbirit ng mga kanta ng Asia’s Songbird. At siguradong ibubuhos na ng apat na natitirang celebrity contestants ang lahat para hindi ma-eliminate sa kompetisyon.

Sina Jerald Napoles at Vinaboy George, magpapakita ng isang very promising performance. Dadalhan tayo nina Divine at Madonna Cruz ng isang mannequin challenge inspired song number. Abangan din ang soulful rendition nina Nar Cabico at Stevie Wonder Woman ng isang songbird hit. At huwag palampasin ang vocal powerhouse tandem nina Rita Daniela at Prince Epal.

Pati si Regine, makikipagsabayan sa kantahan kasama ang Final 4. In the end sino nga kaya ang makakaabot sa Final 3 at mabibigyan ng pagkakataong lumaban sa Grand Finals?
Tutukan ‘yan ngayong Sabado sa Superstar Duets pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA7.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More