Una sa Balita

PAISTARAN: SHARON, SEKSI-SEKSIHAN NA TALAGA!

By
0 12
Lea, Fanny at Sharon
Lea, Fanny at Sharon

Well, puwede ngang sabihin na makalaglag-panga na ang ‘alindog’ ngayon ni Megastar Sharon Cuneta. Pinabilib nga niya at binulaga ang mga fans sa paglabas niya sa live semi-finals ng The Voice Kids Season 3 last Saturday at kagabi, Sunday, sa Resorts World Hotel.

Ganadung-ganado nga ang mga Megastar fans na irepost nang irepost ang mga latest photos ni Sharon, dahil nga sa sobrang tuwa nila, na unti-unti, naibabalik na ni Sharon, ang alindog niya.

“With my friend, kumare (I am ninang to her eldest, Cray, and she is the ninang of Miel), Music Researcher and then Executive Producer of The Sharon Cuneta Show and Sharon, Music Researcher and all-around loving and encouraging support system in many of my concerts, vocal coach and vocal arranger on my albums Sharon Sings Alcasid, Isn’t It Romantic and Isn’t It Romantic 2. Miss Eloisa Matias.:-),” sey ni Sharon sa isang photo niya.

Super-proud din si Tita Fanny Serrano sa achievement na ito ni Sharon, kaya mega-post din siya ng photo niya na kasama sina Lea Salonga t Sharon.

Anyway, ipinaglaban na nga ng Top 9 young artists ng The Voice Kids Season 3 ang kani-kanilang mga pangarap sa ginanap na Live Semi-Finals ng kumpetisyon last Saturday and Sunday (Aug. 20 at 21), kung saan sa unang pagkakataon ay kumanta sila para makuha ang boto ng publiko.

Naglaban-laban na sa bosesan ang Top 3 artists nina coach Lea Salonga, coach Bamboo, at coach Sharon Cuneta para makuha ang kaisa-isang puwesto kada team patungo Grand Finals at ang pagkakataong tanghaling The Voice Kids grand champion.

Para sa FamiLea, sinubukang sungkitin ng 3-chair turner na si Yessha Dela Calzada ang pagkapanalo tungo sa kanyang pangarap na maging isang Broadway singer. Palaban din si Joshua Oliveros na naghangad na maging daan ang kanyang pagkanta para mabuo muli ang kanilang pamilya. At si Angel Peñaflor  naman ay nagpakita rin ng kahusayan.

Hindi rin nagpadaig ang returning young artist at 3-chair turner na si Justin Alva ng Kamp Kawayan. Lumaban din si Heart Salvador na inspirasyon ang kanyang yumaong ate para manalo sa kumpetisyon. Itinayo naman ng isa pang 3-chair turner na si Xylein Herrera ang bandera ng Boracay sa kanyang kakaibang boses.

Bongga rin ang mga pasabog na inihandog ng Team Sharon na kinabibilangan ng online sensation at 3-chair turner na si Antonetthe Tismo na gustong iangat sa kahirapan ang pamilya gamit ang kanyang talento sa pagkanta. Nakipagbakbakan din ang isa pang 3-chair turner ng Team Sharon na si Alvin Dahan at muling pinabilib ang lahat sa taas ng kanyang boses at sa kanyang dedikasyon upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Inabangan din si JC Tan na ginulat ang lahat sa Sing-Offs round sa kanyang makapagil-hiningang performance.

Ang nag-iisang miyembro ng bawat team na makakakuha ng pinakamataas na porsiyento ng mga boto ang magtutunggali sa Grand Finals. Sino-sino ang tatlong young artists na magsasagupaan sa huli? Sino-sino nga kaya ang may pagkakataong sumunod sa yapak ng dating “The Voice Kids” grand champions na sina Lyca Gairanod at Elha Nympha?

Frankie, nag-ala-Sharon!

Frankie at Alden
Frankie at Alden

Kay Sharon pa rin, humamig ng papuri ang anak nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie, sa pagkanta nito ng Mr. DJ sa Eat Bulaga, ha!

“Oh, my very nervous not-so-little darling anymore, Frankie! Good job, my baby! We are so proud of you. I love you so much! Thank you to all of you who watched her on Eat Bulaga today.:-)…” sey ni Sharon sa video ni Frankie na in fairness, carry talaga na maging singer, at may pinagmanahan talaga.

Medyo iba nga lang ang boses ni Frankie, dahil bilog na husky, o medyo malaki, na kung mahahasa pa talaga, aba, waging-wagi rin ito, at may malaking space talaga siya sa recording industry.

At yes, in terms of beauty, hindi na rin nalalayo si Frankie sa ganda ni Sharon, ha! Pinagtatabi nga ang mga photos ni Frankie (ngayon) sa photos ni Sharon nung kabataan pa nito, o nung nagsisimula pa lang ito sa showbiz.

Anyway, mukhang naaliw naman si Frankie sa guesting niya sa Eat Bulaga, at mega-papiktyur din siya sa Dabarkads, kina Sen. Tito Sotto, Baste, Ryza Mae, at Alden Richards, ha!