Una sa Balita

PAISTARAN: SARAH, TODO-SUPORTA SA CONCERT NI MATTEO SA CEBU!

By
0 1

Kung sa Instagram account ni Matteo Guidicelli mo ti­tingnan kung kasama n­iya ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo kahapon sa Cebu, para sumuporta sa concert niyang MATTEO, #MatteoMadeInCebu, hindi mo makikita `yon.

Mas pinili pa ni Matteo na i-post sa Instagram account niya ang suporta ni PNP Chief Ge­neral Bato dela Rosa, na kung saan ay nag-video nga ang PNP Chief ng pag-congratulate at pagsuporta sa concert ng binata.

At mas ginusto rin ni M­atteo na i-post ang kulitan nila sa kama nina Martin Nievera, Direk Ro­well Santiago at Mr. L­ouie Ocampo.

Kaya sa Instagram account na lang nina Rowell Santiago, pati na kay Dyan Castillejo (kasama rin sa entourage ni Matteo) namin tiningnan kung kasama nga ang girlfriend ni Matteo. At yes, mega-support nga si Sarah sa boyfriend niya, ha!

Kahapon pa lang ng umaga, nakita ko na ang mga photos na kasama nga ni Matteo si Sarah, pati na sina Martin, R­o­well, Louie at marami pang iba.

Oo nga naman, matitiis ba ni Sarah na hindi suportahan ang dyowa niya sa ika-10th anniversary nito sa showbiz, na sa isang mahalagang concert nga, sa mahalagang lugar pa, idinaos kagabi.

Siyanga pala, sobrang naaliw din ang followers nina Sarah at Matteo, sa Mannequin Challenge na pinost nila, dahil makikita roon na nasa isang kama lang sina Matteo, Direk Rowell, Martin at Louie Ocampo, habang nakatingin sa kanila si Sarah na parang shocked na shocked sa nakita niya.

DANIEL at GERALD, BUGBUGAN SA BASKETBOL!

Matinding bakbakan sa court ang dapat na abangan ng Kapamilya fans sa muling paghaharap ng pinakasikat at pinakatinitili­ang heartthrobs sa bansa sa ‘All-Star Basketball Game: Kapamilya Playoffs’ na gaganapin sa Nobyembre 27, 3PM sa MOA Arena.

Huwag palampasin ang pagpapakitang-gilas ng team ni Da­niel Padilla, kung saan kasama sina Zanjoe Marudo, Xian Lim, Joseph Marco, Ronnie Alonte, Vin Abreni­ca, Anjo Damiles, Marco Gumabao, Patrick Sugui, Axel Torres, Jon Lucas at Paolo Angeles.

Makakalaban nila ang team na pamumunuan naman ni Ge­rald Anderson, kasama sina Rayver Cruz, Ejay Falcon, Arron Villaflor, Jayson Abalos, Matt E­vans, Diego Loyzaga, Ejay Falcon, Young JV Kapunan, Jimboy Martin, Gerhard Acao at Joe Vargas.

Makikita nga sa mga social media accounts ang paghahandang ginagawa nina Daniel at Gerald, ha! Hindi biro ang araw-araw na praktis na ginagawa nila.

At iisipin mo nga na parang mga professional basketball pla­yers na rin sila, dahil sa dedikasyon nila sa paglalaro ng bola.

Anyway, aling team kaya ang magwawagi? Sino ang tatangha­ling MVP ng laro?

Siguraduhing makakuha ng tickets na nagkakahala­gang P1,590 (VIP), P1,060 (Patron), P850 (Lower Box), P530 (Upper Box) at P320 (General Admission). P­ara makakuha ng tickets, tumawag sa 470-2222 o bisitahin ang smtickets.com.