Una sa Balita

PAISTARAN: Sarah at Matteo, ‘lambingan’ sa harap ng mga balyena!

By
0 161

I think, lahat ng popsters, magiging adventurous na! Like Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli!

‘Yan ang tweets ng mga fans ng dalawa, dahil heto nga, katatapos lang mag-whale watching nina Sarah at Matteo kamakalawa sa Oslob, Cebu, ha!

Aba, nagiging matapang na nga si Sarah na subukan ang mga bagay-bagay na dati-rati ay tila bawal niyang gawin. At para nga siyang nakawala sa matagal na pagkakakulong, dahil sunud-sunod ang mga akti­bidades nila ni Matteo, at puro ‘extreme’ ang ginagawa nila, ha!

Mula sa pagsakay sa hot air balloon, pag-akyat sa bundok, pagsakay sa bisikleta, pag-running, pag-swimming, at nga­yon nga, pati ang pakikipaglaro sa mga whales ay ginagawa na nila.

Sobrang kilig na kilig nga ang mga fans ng dalawa sa mga photos na naglabasan, kung saan ay magka-holding hands ang dalawa habang naglalakad. Parehong nakabu­ngisngis ang dalawa sa bawat photos nila, at katibayan lang na super-happy talaga sila kapag magkasama sila.

Ito na nga ba ang selebrasyon nila para sa kanilang ika-3rd anniversary? Umulan nga ng greetings para sa dalawa ang social media mula sa kanilang mga fans.

Anyway, si Matteo nga pala ang featured sa latest TV commercial ng Sun Life Asset Management Company, Inc. (SLAMCI). At hindi lang isa, kundi dalawang Matteo pa ang makikita, ha!

Ang Sun Life Prosperity Card is an investment card worth P5,000 which may be invested in any of the peso-denominated mutual funds managed by SLAMCI under its Sun Life Prosperity Funds. The first of its kind in the market, it has revolutionized mutual funds investing in the country.

Sabi ni Matteo, he had fun portraying 2 different personas.

“It’s the first time I did such a project, and I definitely enjoyed pla­ying both roles.

But what’s important is that we were able to bring home the message. It’s fun to have nice material things and be on YOLO mode, but what will happen to you if all your money runs out and you have nothing saved for the long-term?” sey niya.

Joross, Jerald, ‘bye-bye’ na sa Superstar Duets?

Joross at Jerald
Joross at Jerald

Matapos hindi ma­tuloy ang elimination last week, ngayong gabi (Sept. 17) tiyak na tiyak na isa sa mga celebrity contestants ang magpapaalam sa Superstar Duets.

Sino kina Jerald Napoles, Rita Daniela, Joross Gamboa at Pekto ang ma-eeliminate?

Abangan ang kanilang performance with their respective superstar partner at ang nakakaloka at kakaibang “Pak Ganern” game na kanilang pagdadaanan.

Samahan ang Ultimate Star Jennylyn Mercado sa isa na namang biritawanang gabi sa Superstar Duets ngayong Sabado pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA7.

Pauline Cueto, mapagkawanggawa!

Pauline Cueto
Pauline Cueto

Malaking blessing ang natanggap ng recording artist na si Pauline Cueto sa Philippine Movie Press Club (PMPC) nu’ng maging nominado siya sa Star Awards for Music sa kategoryang Best New Female Recording Artist of the Year.

“I felt blessed and overwhelmed na nominated ako as a new female recording ar­tist. Hindi ko po ma-describe ‘yung nararamdaman ko. At first po, ‘di po siya talaga nag-sink-in sa akin kaagad when I saw the list. Pero malaking opportunity po ito para sa akin to be one of the nominees of the 8th PMPC awards,” sey ni Pauline.

Sa ngayon ay labas na ang self-titled album niya at ang maganda rito, sampung porsiyento ng kita nito’y mapupunta sa kawanggawa.

Kabilang sa inspirasyon ni Pauline sa pagkanta ang kanyang mga magulang na sina Mr. Andy Cueto at Mrs. Mildred Cueto na very supportive sa kanyang mga pangarap.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More