Una sa Balita

Paistaran sa vlog

0 172

Ano ang favorite content niyo sa mga vlog na umaarangkada ngayon sa YouTube? Maraming klase ng content, ang iba ay mga katatawanan lamang, mayroon ding mga eksperimento na first time lamang gawin ng vlogger, marami ding gumagawa ng make-up tutorial lalo na sa kababaihan, uso rin ang ‘getting-to-know-me’ na istilo ng vlog at hindi mawawala ang house raid vlog.

Kamakailan nga ay bumisita ang mga batang cast ng ‘Kadenang Ginto’ o tinatawag na ‘Gold Squad’ sa bahay ng kanilang co-star na si Beauty Gonzales o mas kilala ngayon bilang ‘Romina’.

Nagpasya ang aktres na kilalanin siya sa pamamagitan ng mga bagay na madidiskubre nina Andrea Brillantes, Franicine Diaz, Seth Fede-lin at Kyle Echarri (Gold Squad) sa bahay niya.

Kung mapapansin nga sa nasabing vlog, ka-ramihan ng makikita sa bahay ng aktres ay s­ining na may malalim ang kahulugan dahil ayon sa aktres ay mahilig ito sa mga lumang bagay at s­ining na may kakaibang simbolismo.

Mahilig rin, aniya, sa mga santo ang aktres kaya naman napakarami ding makikitang santo saan mang kanto ng kanyang bahay, maski nga ang motor nito ay vintage at iyon ay BMW na 1965 model pa.

Related Posts

Mayroon ding ‘mini library’ ang aktres dahil mahilig rin siyang magbasa, pinayuhan pa nga nito ang Gold Squad na magbasa rin ng mara­ming libro para sa karagdagang kaalaman sa buhay o sa sining.

Ang kagandahan talaga ng house raid ay makikilala mo ang kalooban ng taong nakatira mula sa mga disenyo na bumabalot sa bahay nito at siyempre maari ding maenganyo ang mga manunuod na mag-a­yos ng kani-kanilang bahay.

Makakakuha rin ng ideya ang mga manunuod kung ano ang puwede nilang gawing disenyo sa kanilang bahay.

Maraming puwedeng gawin sa isang bahay, maaring gawin itong vintage gaya nga ng bahay ni Beauty o puwede rin ang modern dahil baka iyon ang bagay kung saan magiging komportable ang inyong pamilya. Puwede naman din paghaluin ang modern at vintage kung sa tingin ng may-ari ay iyon ang angkop sa kanyang bahay at tugma sa kanyang taste. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy