Una sa Balita

PAISTARAN: PUWET VIDEO SA IG NI EULA, DELETED NA!

By
0 8

Deleted na ang IG post na video ni Eula Valdez tungkol sa puwet (suspetsa­ ng netizens ay puwet ng boyfriend niyang si Rocky Salumbides).

Giddy in bed. Lam naaaa… tararararan chchch chchch chchch:)

A post shared by eulavaldes (@eulavaldes) on

Abante Hiring – IT dep

Nakasentro ang video sa pagtatanggal ng mga buhok sa puwet (ng isang lalake) at halos isingit ang light roller sa mismong pagitan ng dalawang pisngi ng puwet, na ang sabi pa ng lalake, ay baka pumasok `yan sa puwet ko’, na tinawanan lang ng boses ng babae, na gumagawa ng pagwa-wax, na sabi nga ay si Eula mismo.

“Paano mag-wax ang walang budget? Light roller. Background music Wild Thing…” ang caption ni Eula sa video niyang `yon.

Pero, ‘yun na nga, nawala na ang video na `yon. May nag-report kaya na netizens, na hindi natuwa, dahil alam naman ng lahat na mas mahigpit sa Instagram, kumpara sa Twitter, o Facebook kaya.

Anyway, marami naman ang naaliw sa video na `yon ni Eula, dahil aba, libreng pa-puwet nga naman `yon. At walang kamali-malisya si Eula sa ginagawa niyang `yon.

Laway lang ang puhunan…

Isang taga-barrio na naging patok na fashion designer sa ibang bansa, isang dating waiter na may apat na restaurant na ngayon, at isang mag-ina na napalago ang kanilang simpleng bur­ger stand ilan lang ‘yan sa maraming kuwento ng tagumpay ng mga Pilipinong negosyante na naitampok ni Karen Davila sa My Puhunan.

At sa ika-4 na taon ng programa, patuloy sila sa pagtulong na mabago ang buhay ng mga Pilipino sa pagi-engganyo sa kanilang magnegosyo kahit pa maliit lang ang puhunan. 

“Ang gusto ko sa My Puhunan kasi binabago nito ang paniniwala ng ibang Pilipino na kailangang mangibang-bansa upang kumita ng pera o umunlad.

Pinapakita natin sa Pilipino na kahit sa konting puhunan lang, minsan laway lang, minsan talento mo lang, pwede ka talaga umasenso sa buhay. Ako mismo natututo sa programa at dahil diyan gusto ko na rin mag-negosyo!” sabi ni Karen.

Pero bukod sa pagbabahagi­ ng tagumpay ng mga Pilipino,­ nais rin ng programa na makapag-abot din sila ng tulong sa iba pang Pilipinong nais maita­guyod ang kanilang pa­milya.

Kaya naman sa pagdiriwang ng ika-4 taon anibersaryo nila, lumarga uli ang Kabu­hayan Caravan ng My Puhunan, kung saan ang mga nagbabahagi ng kanilang oras at kaalaman sa livelihood seminars ay ang mga dating lumabas sa programa tulad nina Grace Barios ng BeauQuest at Remilly Co ng Re­milly’s Yema Cake.

Mapapanood ang programa tuwing Martes, 9:30pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Mapapanood din ang “My Puhunan” sa ANC ng 7:30pm tuwing Linggo at may replay sa Lunes ng 11:30pm at Huwebes ng 1:30pm. Maaari ring manood online sa iwantv.com.ph and www.skyondemand.com.ph. Para sa updates, bisitahin ang www.facebook.com/MyPuhunan andwww.twitter.com/MyPuhunan.