Una sa Balita

PAISTARAN: “OKEY KAMI NI KIKO!” — SHARON

By
0 108

Ramdam na ramdam ng showbiz press ang lungkot, tamlay, sa muka ng Megastar na si Sharon Cuneta, sa presscon ng pelikula niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

Sa open forum, nagpahapyaw na si Sharon na may ‘pinagdadaanan’ nga siya, pero hindi niya magawang sabihin. At hirit nga niya, lahat naman daw ay dumadaan sa problema.

“It’s normal I think, lahat naman tayo na mga human beings, dumadaan sa ganung period,” bungad na sabi ni Sharon.

Pero, nakakapanibago lang na hindi nga siya ‘yung the usual na Sharon na masayahin at bu­ngisngis to the highest level.

“Talaga? Kita ba? Akala ko pa naman grand slam na grand slam ako. Baka kasi hindi na rin ako bata, hindi na ako 15 years old. Ha! Ha! Ha! Ha!” tsika niya.

Sa open forum ay atubili nga kaming itanong kay Sharon kung ano ba ang eksaktong pinagdadaanan niya.

“May pinagdadaanan. Meron, saka hindi lang isa, hindi lang dalawa. I’m just ano… nau-overwhelm lang ako. Tapos, nakasabay pa ng trabaho. So, kasi iba kapag sa akin turbo dumarating ang problema.

“Sabay-sabay, sunud-sunod ang problema. Hindi katulad ng ibang regular na tao. So, ‘pag ganun ang sitwasyon, it’s magnified. Nakikita lang kasi artista nga kami.

“Parang nagpapahinga ang puso… Kapag may trabaho… Kaya gusto ko mag-shooting na, eh.

“At saka, ‘pag si Robin ang kasama mo, masaya marami kayong pag-uusapan…” kuwento ni Sharon.

Yes, bukod nga sa pelikulang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na showing na ngayon at dinirek ni Mes (de Guzman), ini-reve­al na ni Sharon na ­magshu-shooting na sila ni Robin Padilla nga­yong September.

Pero, balikan natin ang lungkot ni Sharon. Sa Instagram account niya, madalas siyang mag-post ng malulungkot na kuwento.

May sinabi siyang ‘Money can’t buy happiness…’

“Yeah, it’s true… But it’s better to be sad, and have something to buy something with. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Okey na rin `yon. Kahit malungkot ka, at least kung may konti kang naipon, puwede kang mag-shopping, mag-parlor, o kumain sa labas kasama ang mga friends mo, cousins mo…” sey lang ni Sharon.

Anyway, diniretso na nga ang tanong kay Mega, na ang balita nga kasi, ‘on the rocks’ ang relasyon nila ni Sen. Kiko Pangilinan.

“People will always have naman… They will always speculate… So, whether I deny, or admit, or give a reason, or say something else, they will always believe what they want to believe.

“Ilang beses ko na ring nasabi, na wala namang perpektong marriage. So, ganun lang naman `yon. Pero, marami pa… Hindi lang naman `yon ang  puwedeng problema…” sagot ni Sharon.

May nagsasabi na midlife crisis ang nangyayari kay Sharon ngayon?

“Naku, nakalampas na ako sa midlife crisis ko 10-years ago pa. Nakaranas ako ng midlife crisis nung 40 ako. I’m 51 now. So, wala na `yon.”

Pero, kumusta ka nga ngayon? Nag-aalala ang mga fans mo…
“I’m okey. Please don’t worry about me, I’m always okey…

“My God, ang dami ko nang pinagdaanan, and I come out stronger naman. So, whatever I go through with my life now, I will come out strong and willing and happy to work pa rin…” sagot niya.

sharon-kikoAnyway, isa nga sa nagpalungkot ulit kay Sharon ngayon ay ang pagkamatay raw ng pinsan ni Sen. Kiko, na malapit na malapit sa puso niya.

“Namatayan kami… First cousin ni Kiko nung nagliligawana pa lang kami, kasama na namin noon pa. Very young, actually…”

Pero, okey talaga kayo ni Sen. Kiko? Paulit-ulit na tanong ko…
“Okey kami! Okey kami!

“Kagabi nandun kami sa wake…” sagot ni Sharon.
Pero, banner story nga na ‘hiwalay’ na kayo ni Sen. Kiko.

“Talaga? Pabasa naman! Okey kami!” sagot pa rin niya na may kasunod na tawa.

At muli ngang umaliwalas ang mukha ni Sharon nung bumalik ang topic tungkol sa movie nila ni Robin.

Ano ba ang magiging itsura ni Robin sa movie nila? Na mabalbas at mahaba ang buhok?

“Ay, hindi. Ayoko siya katrabaho kapag may balbas at bigote siya. Gusto ko clean cut siya. Kasi, this is a romance comedy. Hindi naman ito horror. Alam naman niya `yon.

“Alam niyang ayaw ko na hindi siya clean looking, at clean cut. Kasi, lumalabas ang kaguwapuhan niya kapag clean cut sya. Kailangan sa rom-com, gwapo talaga ang leading man.

“I love Robin. I love working with Robin Padilla!” sabi pa rin ni Sharon.
Eh, with Gabby Concepcion?

“Wala na akong balita. After na hindi natuloy ang una, nag-focus na kami ‘yung kay Robin.

But we have to change the story. In all honesty, I didn’t mean any offense, mas masaya ‘yung movie nga­yon.

Kasi, iba `yung rapport namin ni Robin. It’s a new story, totally new story. Siyempre, dapat bagay kay Robin at sa akin…”

Open ka pa rin na gumawa ng movie with Gabby?
“Basta sure, okey lang… Kung sigurado na…” sabi niya.

Anyway, after that tsikahan, may mga kuwento pa rin ni Sharon, na hindi nga puwedeng isapubliko…

“Kung puwede lang…” saad niya, sabay yakap nang mahigpit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy