Una sa Balita

Paistaran nina Harden, Westbrook problema

0 362

DATING teammates sa Oklahoma City Thunder sina James Harden at Russell Westbrook, reunited sila ngayon sa Houston Rockets.

Dumating sa Houston si Westbrook na walang dudang team na ni Harden ang Rockets. Kumbaga, support lang siya.

Binagabag ng injuries si Chris Paul, inihatid ni Harden ang Houston sa fourth seed sa West noong nakaraang season sa 53-29 record. Pero sa pangalawang sunod na taon, sinipa sila ng Golden State Warriors sa second round ng playoffs.

Pumangalawa si Harden sa MVP voting. Nag-average siya ng 36.1 points, 6.6 rebounds at 7.1 assists per game, 37 percent sa 3s sa 13 attempts bawat salang.

Umaasa ang Rockets fans na sa pagdating ni Westbrook ay malalaktawan nila ang hump.

Hindi lang ganun kaangas ang shooting percentage ni Westbrook noong nakaraan, at nasipa ang Thunder sa first round lang ng playoffs.

Mas epektibo sina Harden at Westbrook kapag nasa kanila ang bola.

Problema ay baka magsapawan, mag-agawan.

Kung makakagawa si coach Mike D’Antoni ng sistema na swak sa dalawang stars, malayo ang mararating ng Rockets. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy