Una sa Balita

PAISTARAN: Netizens, nabulabog/nagising sa ‘alindog’ ni Pia W.!

By
0 204

Tag-ulan na dito sa Pinas, pero sa US, summer pa lang, kaya namamayagpag na sa mga social media accounts ang mga photos ng mga sikat na personalidad na suot ang kanilang mga pinaka-seksing bikinis.

At siyempre, hindi pakakabog diyan ang Miss Universe natin na si Pia Wurtzbach. Kahapon nga ay muling binulabog ni Pia ang Instagram world, dahil na rin sa pinost niyang picture na nasa ‘duyan’ siya at shades at 2-piece bikini lang ang suot, ha!

“Summer (heart) this is where I belong…” simpleng caption ni Pia.

Well, simple man ang caption, pero nakakaulol naman ang kaseksihan ni Pia sa photo na ‘yon, ha!

Kaya naman, may mga hindi talaga nakapagpigil na mag-comment sa sobrang kaseksihan ni Pia. Imagine, after ilang oras pa lang, kulang-kulang na sa 80,000 ang likes ng photo na ‘yon, at halos 1,000 na agad ang comments, ha!

May mga nagalit nga sa comment ng iba sa photo na ’yon ni Pia, dahil ang ‘big boobs’ nga nito ang napansin. May nagsabi nga na halos mawasak na raw ang bra na suot ni Pia, dahil sa laki ng boobs nito.

Siyempre, nabuwisit ang mga fans ni Pia, dahil kawalan daw ng respeto ‘yon sa Miss Universe, at walang class nga raw ang comments na ‘yon.

Pero, sa halip na tumigil ang ibang follo­wers, mas dumami pa ang pumuri sa boobs ni Pia, ha! Ang iba, inggit na ing­git, at humihingi nga sa kanya ng kahit na konting ‘boobs’ lang, at ang iba, nagsasabing parang droga si Pia, na ang lakas makagising sa umaga.

Well, sa truth lang naman, sa Miss Universe pageant, sa swimsuit competition, doon naman talaga bumongga si Pia, at kahit ang judge na si Perez Hilton, ‘bababoom’ at namangha talaga sa part na `yon ng body ni Pia, ha!

ENRIQUE,UMAMING ‘DYOWA’ NA SI LIZA!
“Yeah, we’re boyfriend,girlfriend na…” — Enrique

Nakiki-join lang ba si Enrique Gil sa ‘eksena’ nina James Reid-Nadine Lustre, Daniel Padilla-Kathryn Bernardo, na heto nga at naglalantad na rin ng ‘relasyon’ o ‘sitwasyon’ nila in public?

Liza Soberano at Enrique Gil
Liza Soberano at Enrique Gil

Well, sa interview ni Tito Boy Abunda kay Enrique Gil sa Tonight With Boy Abunda, para sa promo ng Dukot (palabas na ngayon), tinanong ni Tito Boy si Enrique, kung ano ang gagawin nito, kapag paggising niya isang umaga, bigla na lang ikakasal si Liza Soberano, sa ibang lalake.

“Papadukot ko siya! Ha! Ha! Ha!

“Papadukot ko talaga siya!” natatawang sagot ni Enrique.

Siyempre, may mga bonggang kasunod pa ang tanong ni Tito Boy, at ‘yun nga ay, marami nga raw ang nagsasabi o naniniwala na mag-dyowa talaga sina Enrique at Liza, at tama raw ba ang ‘akala’ o ‘hinala’ ng lahat?

“Well, para sa akin, we treat each other like boyfriend and girlfriend. Yeah, we’re boyfriend, girlfriend. Ha! Ha! Ha! Ha!

“We don’t like… That’s how we treat each other, eh.

“Kahit na, the parents, her parents, never really said na, okey, puwede na kayong maging mag-boyfriend-girlfriend, walang ganun. But we treat each other like we are talaga.

“So, parang ganun na rin. Parang ganu’n na rin!

“But you know, siyempre, I mean, not to disrespect, they didn’t say anything na puwede na, pero parang ganun na rin.

Sa akin, it’s the same thing na, eh,” tsika ni Enrique, na napagkilig nang husto sa mga fans nila.

Sa social media, ang ‘aprub’ sign nga ang ibinigay ng mga fans nila sa pahayag o sagot ni Enrique kay Tito Boy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy