Una sa Balita

PAISTARAN: Nadine, inakusahang ‘SNOB’, ‘PLASTIK’, ‘SUPLADA’ sa fans

By
0 6

Stop the hate! ‘Yan ang sigaw ng JaDine fans!

Kaloka lang daw kasi na matapos ang ilang kumitang pelikula, matataas na ratings na teleseryes, dinagsa na concerts, ngayon pa natsismis na ‘snob’ si Nadine Lustre sa mga fans niya.

Kumalat kasi ang isang video sa social media na kung saan ay naglalakad nga si Nadine, at biglang lumapit ang isang fan para magpa-picture sa kanya. Pero, wala ngang nangyaring photo op, dahil patuloy lang si Nadine sa paglalakad, at may isang babae (production staff) na tila kumausap sa naturang fan, at doon na nga nagsimula ang lahat ng ‘hate’ tsika tungkol kay Nadine.

Abante Hiring – IT dep

Anyway, todo-depensa naman siyempre ang fans nina Nadine at James Reid. Hindi nga sila papayag na basta-basta na lang wawasakin ang kanilang idolo.

At heto na nga, sa account ni @jadinefield, ipinakitang muli ang naturang video, karugtong ang iba pang video ni Nadine. At oo nga, may lumapit talaga na isang fan kay Nadine, pero ang production staff na mismo ang nagsabi sa fan na ‘yon na bawal muna, dahil nasa kalagitnaan sila ng shooting (This Time pa ‘yon, ha, pero ngayon lang lumabas).

“She is not a snob (period)! The video is going around, claiming that Nadine is too good for her fans and refuses to take photos with them.

“But I’m glad the girl tweeted that photos or autographs weren’t allowed because they were in the middle of taping (shooting) the movie This Time. I also heard she got a picture with them after. All is well.

“Stop the hate. Nadine is such a nice girl to be called a snob,” tsika ni jadinefield.

Makikita rin sa naturang video ang mga kasunod pang video, na kung saan ay kita naman si Nadine kung gaano ka-sweet sa kanyang mga fans, na kahit busy siya, nagbibigay siya ng time para magpa-picture, at may isa pa ngang pagkakataon na si Nadine pa mismo ang nagturo sa isang male fan kung paano mag-picture na mas maganda.

At sa bawat paglapit ng mga fans kay Nadine para magpa-picture, matunog na ‘thank you’ rin ang ibi­nabalik ni Nadine.

Naglabasan din ang iba’t ibang photos ng bida ng Till I Met You, na kasama ang iba’t ibang fans niya, bilang pangontra sa pagkalat ng video o tsika na ‘yon na ‘snob’ talaga si Nadine.

Well, ang mga fans na niya ang nagtatanggol sa kanya, hindi na nga kailangan ni Nadine na ipagtanggol ang sarili niya sa mga akusasyon na plastik, suplada, at snob siya sa mga fans niya.

Katrina, pumalag sa bashers na binuhay ang
‘scandal’ at isinangkot siya sa droga!
“Push mo ‘yan! Inggit ka?” — Katrina

Katrina Halili
Katrina Halili

Isa pang sumisigaw ng ‘stop the hate’ ay ang mga supporters ni Katrina Halili, para nga sa kanilang idolo. Na dapat lang naman, dahil parang itong mga bashers na ito, hindi pa maka-move on sa ‘scandal’ nina Katrina Halili at Hayden Kho, ha!

Hello, nagkabati na ang mga taong involved doon, nabasura na ang mga kaso at maayos na ang buhay nilang lahat, pero heto at may mga bashers pa rin na ayaw ma­ging maligaya ang mga artista, ha!

Sa kalagitnaan kasi ng magagandang tweets tungkol sa husay ni Katrina sa mga eksena nito sa Sa Piling Ni Nanay sa GMA 7, kalaban si Yasmien Kurdi, big­lang-bigla ay may mga sumingit na tweets, na nagpapansin talaga, o nambuburaot lang nang sobra.

“Katrina, sarap ulit-ulitin ang scandal mo… kasama ka siguro sa watch list about drugs!” hirit ng basher na hindi ko na lang babanggitin ang account name, dahil parang ‘yun ang gusto niyang mangyari, ang maging famous, kaya nang-aasar.

Ano sa tingin iyo ang naging sagot ni Katrina? Heto…

“Push mo ‘yan! Samahan mo ng Bible, ah…” sagot ni Katrina.

Heto pa ang isang walang magawa…

“Kat, ang galing-ga­ling mo sumayaw sa sex scandal!”

Heto naman ang sagot ni Katrina:

“Talaga! Inggit ka? Gawa ka rin dali!”

Pinayuhan si Katrina ng mga fans niya na ‘wag na lang pansinin ang mga bashers niya, dahil iilan lang naman ‘yon. Ha­yaan na lang daw na silang mga nagmamahal sa kanya ang magtanggol kay Katrina.

“At least, napasaya ko sila! ‘Yun ang importante. Ulit-ulitin niya para masaya siya palagi!” sagot ni Katrina.

Ah, uso na ngayon ang move on, ‘di ba?