PAISTARAN: MARIAN-AI AI, NAGPATALBUGAN SA PAGRAMPA!

By

Feeling supermodel ang magkambal na Ai Ai delas Alas at Marian Rivera sa eksena nila kahapon sa Instagram.

Patalbugan ng pag­rampa, pageksena sa hall way, na animo mga kalahi ni Melanie Marquez sa tangkad.

BEAUTY IS A LIGHT IN THE HEART #mowdelangpeg😂😂😂😂 #supermaokaminikambal #artenaminnikamby @marianrivera

A post shared by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

“BEAUTY IS A LIGHT IN THE HEART #supermaokaminikambal #artenaminnikamby @marianrivera,” sabi ni Ai Ai.

Marami nga ang naaliw at kahit ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes ay napa-comment sa eksena ng dalawa.

“Hanep kumare!” sabi ni Dingdong.

“Graaaaaaaaabe!” reaksiyon naman ng anak ni Ai Ai na si Sancho Vito.

“Winner …. ang bagets mo tignan dyan partner @msaiaidelasalas …. PAK NA PAK NA PAK!” sabi naman ni Lito Alendria, na isa sa mga may-ari ng Klownz at Zirkoh.

Napa-grabe rin ang anak-anakan ni Ai Ai na si Ruru Madrid.

Well, puring-puri nga ng marami ang friendship ng dalawa, na magkasundo sa maraming bagay.


I M Ready sa Dobol B!

Mapakikinggan na rin sa Super Radyo DZBB ang disaster preparedness campaign ng GMA News and Public Affairs na I M Ready – ang I M Ready sa Dobol B na ihahatid ng resident meteorologist ng Kapuso Network na si Nathaniel ‘Mang Tani’ Cruz tuwing Sabado ng umaga, 10 to 11 AM.

Tampok sa I M Ready sa Dobol B ang comprehensive weather forecasts, trivia, pati na rin ilang tips kung paano maging handa sa iba’t ibang uri ng kalamidad.

May pagkakataon din ang mga tagapakinig na magtanong kay Mang Tani tungkol sa lagay ng panahon sa segment nitong Magtanong kay Mang Tani.

Kinikilala si Mang Tani bilang “ekspertong totoo” dahil na rin sa mahigit dalawang dekada niyang karanasan sa weathercasting.

Regular na napapanood si Mang Tani sa iba’t ibang GMA News programs na naghahatid ng weather reports.

“When they created the I M Ready project, ang talagang nakikita nila ay to instill ‘yung readiness sa mga tao.

And then imagine we have 20 tropical cyclones a year, talagang kailangang maging handa tayo.

Alam naman natin na ang Pilipinas ay isa sa mga flood-prone, landslide-prone, typhoon-prone, lahat na yata ng klase ng mga natural hazards ay meron tayo,” sabi ng Kapuso meteorologist.

“Ang paghahanda, hindi ginagawa kung kailan nandiyan na ‘yung panganib, kundi ito ay ginagawa habang wala pa.

Hindi kailangang maging mayaman ang isang komunidad para makapaghanda. Ang kailangan lang ay sapat na kaalaman.

Alam kung saan pupunta, sinu-sino ‘yung mga dapat mauna at dapat lahat ng miyembro ng pamilya alam kung ano ang gagawin kapag may parating na panganib,” dagdag pa nito.

Tumutok at maging laging handa kasama si Mang Tani sa I M Ready sa Dobol B tuwing Sabado mula 10 hanggang 11 ng umaga, sa Super Radyo DZBB 594 kHz.

Maaaring magpadala ng inyong mga katanungan para kay Mang Tani sa Facebook ng Super Radyo DZBB 594kHz o sa Twitter (@dzbb) gamit ang official hashtag na #MagtanongKayMangTani.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari ring pumunta sa website na www.gmanetwork.com/radio/dzbb. 

SHARE