Una sa Balita

PAISTARAN: “MALAPIT NA ANG KASAL!” — MATTEO

By
Matteo Guidicelli
0 2
Matteo Guidicelli
Matteo Guidicelli

Kalat na kalat sa social media ngayon ang eksena na kung saan ay nasa isang restoran si Matteo Guidicelli, at kinakantahan siya ng ‘Happy Birthday’ ng staff and crew ng naturang restoran.

Kitang-kita kung gaano kasaya si Matteo sa ginagawa ng mga tao sa harap niya. May eksena pa na sumasayaw siya, gumigiling-giling ang mga balikat at tawa talaga nang tawa.

Pero, sa huling eksena ng short video na ‘yon na napanood ko sa Instagram, biglang nagpakawala ng ‘bomba’ si Matteo, at sinabing…

“MALAPIT NA ANG KASAL!” na siyempre pa ay ipinagbunyi ng mga followers niya.

Kakakausap pa lang namin sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo last Friday night, sa taping ng The Voice Teens sa bakuran ng ABS-CBN at naitanong nga sa kanya ang tungkol doon, na kung ina­alok na ba siya ni Matteo ng kasal.

“Wala pa po…” tila hiyang-hiya, na very-Sa­rah, na sagot ng dalaga, ha!

Anyway, sa Twitter, Instagram accounts ni Matteo, nag-post siya ng photo ng mga kapatid niya, na nilagyan niya ng caption na…

“My beautiful sister and brother!”

Eh, may isang Twitter follower si Matteo na may account name na @rcgaliza67, na in fairness, ay magalang naman na nagpaalala sa binata, na bakit parang hindi niya pinasasalamatan ang girlfriend niyang si Sarah.

“Anak, you have thanked everybody and posted pictures with your family except the girl who put so much effort to be with you…” sey nito kay Matteo.

At siyempre, magalang din naman itong sinagot ni Matteo na…

“Syempre she’s part of my family…” na nilagyan pa niya ng emoticon na naka-kindat pa.

“Thank you Matteo for telling that Sarah­ is part of your family…” sagot naman ni @rcgaliza67, na ang nakalagay sa bio niya ay professor/writer/dog lover and God-fearing person…

SARAH, EXCITED SA MOVIE WITH DANIEL!

Daniel at Sarah

Speaking of Sarah Geronimo, tuluy-tuloy lang ang shooting nila ng pelikula ni John Lloyd Cruz. At sabi nga niya…

“Ayun, naka-7 days na yata kami ni John Lloyd. Pinapaganda, kasi first time rin naming makatrabaho si Direk Ted Boborol. Pinapaganda talaga kasi matagal-tagal din ang hinintay ng mga manonood, especially­ sa mga suporta sa tandem namin ni John Lloyd…”

Tungkol naman sa pelikula nila ni Da­niel Padilla? May mga fans nga na nagpu-push na pagsamahin naman sa isang pelikula sina Daniel at Sarah, na nagsimula nga nu’ng mag-collaborate sila sa ASAP kamakailan.

Eh, nasabi na rin ni Daniel na type niyang makasama si Sarah sa isang pelikula. At ganu’n din naman si Sarah kay Daniel.

“Actually gustung-gusto ko si Daniel. Kasi, first time kaming mag-meet ni Daniel sa Sarah G. Live pa. Payat na payat pa siya noon. Totoy na totoy pa siya noon.

“First time kong makita si Daniel, na-endear na talaga ako sa kanya dahil nakikita ko sa kanya ‘yung younger brother ko. At saka, cute naman talaga si Daniel.

“So, matagal ko na ring parang sinasabi kay Boss Vic (del Rosario ng Viva Films) na sana makatrabaho ko si Daniel. Pero, parang pa-joke lang. Kasi, parang pabata nang pabata ang mga gusto kong makatrabaho na leading man.

“Oh, Daniel Padilla naman Boss. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Eh, hindi ko naman akalain na darating din ang time na magkakaroon din pala ng parang interest ang mga tao, na parang puwede yata. Kasi ang feeling ko ang tanda ko na for him.

“Pero, nai-excite ako. Sabi ko nga kay Tita Malou (Santos ng Star Cinema), ‘Paano kaya, hindi naman kami puwedeng love team dito. Hindi talaga. Pero, titingnan natin kung ano ang puwedeng gawin…” sey na lang ni Sarah.