Una sa Balita

PAISTARAN: Maja, reynang-reyna sa pagsisid!

By
Maja Salvador
0 5

“ow deep is your love?” simpleng caption lang ni Maja Salvador sa sisid photo niya sa Instagram account niya. May mga kasunod na hashtags nga `yon na #UltimateCoronExperience at #MSescapade.

Medyo late na nga ang mga photos na ito ni Maja, na dapat sana ay nu’ng time na summer na summer, walang ulan-ulan, at mainit na mainit ang panahon, ‘di ba? Pero sabi nga, hindi naman natatapos ang mga linyang ‘huling hirit sa tag-init’.

Well, treat daw ni Maja `yon sa kanyang brother dear, at bet na rin kasi niya ang mag-mega-bonding kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Sa sobrang busy nga kasi ni Maja, nakalimutan na raw niya halos ang mag-enjoy. Kaya nga­yong puwede pa, go, go, go, raw siya.

Samantala, sa FPJ’s Ang Probinsyano, dapat daw tutukan ang pagpasok ni Angelica Panganiban. Siya ba ang makakalaban ni Maja sa puso ni Coco Martin?

Well, gaganap nga si Angelica bilang si Martha, isang babaeng sangkot sa lumalalang kalakalan ng droga sa bansa. Kaabang-abang din daw ang maaaksyong tagpo ng serye dahil ang ilan sa mga eksenang ipalalabas ngayong linggo ay kinuhaan sa Hong Kong.

Anong panganib nga kaya ang hatid ni Martha sa buhay ni Cardo (Coco)?

Deborah, pinakulong ni Rita!

Sa Poor Señorita ngayong gabi, mapapanood sa Señorita Scents ang party ni Deborah, na kung saan ay wagi nga siya bilang top influential Cebuana in Metro Manila. Determinado naman si Rita (Regine) na makuha ulit ang kanyang company from Deborah.

Sa party, nagpatalbugan sina Ligaya at Deborah, pero si Deborah pa rin ang wagi. At doon nga dumating si Rita, kaya shocked si Deborah.

Ikinuwento ni Rita na nag-hire si Deborah ng ibang tao para mag-pretend to be her, para tuluyan siyang wala sa company. Handa na nga si Rita na kunin ang lahat ng nawala sa kanya.

Samantala, sina Apol (Miggs Cuaderno), Rambo (Zymic Jaranilla) at Girlie (Caprice Caye­tano) are all pining for Rita. Rambo suggests visiting her at Maika’s house. They are all excited to see Rita. They arrive at the house but no one is home.

They wait outside until they have fallen asleep. Rita and Maika arrive at the latter’s home. They see the children sleeping outside the gate. Out of pity, Rita tells Maika to help her bring the children inside.

Kinausap na ni Rita ang kanyang abogado. Ang CCTV na ibinigay ni Maika ang gagamitin nilang ebidensiya against Deborah.

As Deborah and Piper are about to leave the Señorita Scents building, they are surprised to see Rita with some police officers by the elevator. Rita orders the policemen to arrest Deborah. They start putting handcuffs on her.