Una sa Balita

PAISTARAN: MAJA, MAS MAINIT PA SA SUMMER!

By
0 11
Maja Salvador
Maja Salvador

Mas hot pa nga raw sa summer si Maja Salvador! At dahil ‘yon sa mga pinost niyang sexy photos kamakailan sa Instagram account niya.

Ang bongga nga kasi, na inunahan na ni Maja ang pagpapainit. At kahit kababalik pa lang niya ng Manila, bet niya uling balik-balikan ang dagat na pinuntahan nila.

“@iammajasalvador: You’re still on my mind vitamin sea. #TakeMeBack 
#MSescapade,” sey ni Maja.

Pero kaloka lang talaga, na sa bawat post ng mga artista, palaging may mga online trolls. Hindi talaga sila nawawala.

At kung minsan, masa-shock ka talaga sa mga sinasabi nila, na parang ang dami-dami nilang alam, na hindi alam ng publiko.

Tulad na lang nitong message na ito sa mismong photo ni Maja, na binanggit nga ang pangalan na Jack Cruz, na boyfriend nga raw ng dalaga. Hurt sila, dahil ang ilusyon nila, sina Maja at Paulo Avelino ang magdyowa.

“@jacqqxlim: Unforgettable because you were with JACK CRUZ aka your boyfriend tapos na ang promo season ng PauMaj kaya dating gawi na ulit. Sad truth. Kaya PauMaj fans, wag kayo magpauto kay Maja, she’s playing you all like she played CocoJam fans back then. @iammajasalvador.”

Super-check kami ng account na ‘yan ni @jacqqxlim at tulad din ng iba, ‘wala’ at hindi na nga nagi-exist ang account na ‘yon. So, anong tawag doon?

“@mandycruz.0228: @santosl1029: Oo my kumakalat kasing issue na my bf na daw si Maja ‘yung Jack at kasama nila sa Palawan kasi b-day nung guy. Kaya ayun na-broken hearted ibang PauMaj fans and I’m 1 of them. But I realize it’s not the end of the world kakapit na lang ako sa reel…”

“@adamraylo27: @jacqqxlim: It appears to me that you have lots of issues in life, Maja never claim that she’s dating Paulo A. As a matter of fact both Maja and Paulo clearly states that they were both special to each other nothing else so stop that nonsense from you.”

“@cutiefriendsofmaja: Enjoy lng bunso and KILL THEM WITH UR HOTNESS. We love you always @iammajasalvador.”

Ok, ask na lang natin si Maja, sino nga ba si Jack Cruz sa buhay niya? Sob­rang common ng name, na libu-libong tao yata ang may ganyang pangalan.

MARICAR DE MESA, WALANG KUPAS ANG ALINDOG!

Maricar de Mesa
Maricar de Mesa

Walang kupas ang kaseksihan, alindog ni Maricar de Mesa. Ganiyan ilarawan ng mga followers niya ang mga sexy photos niya sa kanyang Instagram account.

Sa latest photo niya na naka-pink swimsuit siya, nakaupo at kitang-kita ang kanyang likod, isa nga si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga pumuri sa kagandahan na ito ni Maricar.

“Beautiful!” sey ni Mariel.

“Thanks dear. You have such a beautiful daughter,” sagot naman ni Maricar kay Mariel, na ang tinutukoy nga ay ang anak nito kay Robin Padilla na si Isabella.

Anyway, puro ‘sexy as always’, ‘walang kupas’, ‘hot’ ‘super ganda’ ang makikita mo na papuri pa rin kay Maricar, na mula sa mga followers niya.

At tulad nga ng sabi ni Maricar sa caption ng photo niya, no filter needed, dahil talaga namang hanggang ngayon, naghuhumiyaw pa rin ang alindog niya.