Una sa Balita

PAISTARAN: Maine, lumabas ang pagka-‘ MONSTER ’!

By
0 172

“Kaya ko pa ba?” — Maine

Super-proud si Jenny Ferre, ang lady boss ng Eat Bulaga, ang nag-create ng KalyeSerye, at masasabing discoverer ni Maine Mendoza. Sa post nga niya kahapon sa photo nila ni Maine, ramdam mo nga ang pagmama­laki sa tono ng kanyang mensahe.

“Proud of this “batang walang kalatoy-latoy” … Before anything else, let me congratulate you — now, you have a lot of “latoy” na! God used me to unleash the “monster” in you! Isa ka palang dragon! Rawwwr! Hindi lang isang “pony”. @mainedcm,” caption ni Jenny sa photo nila ni Maine.

Last Saturday nga ay ipinakita o itinodo na ni Maine ang lahat ng talent niya sa performances niya sa Eat Bulaga. Ginawa nga niya ang lahat para mapaligaya niya ang kanyang mga fans, o fans nila ni Alden, ang AlDub Nation.

Heto ang mensahe ni Maine…

“Isang araw lamang ang naibigay sakin para aralin lahat ng ginawa ko kanina. (Dahil sa kakulangan ng oras) Mababaliw na ata ako kahapon kakaisip ng mga gagawin ko hanggang sa susunod na linggo.

“Naloka ako; parang naisip ko “Kaya ko pa ba?”, sabi ko pa “Bakit kailangan pang i-celebrate ‘yung anniversary ko? Di ba pwedeng simpleng bati nalang?” hanggang sa ipinaliwanag nila sa akin kung bakit kailangang ipagdiwang itong araw na to.

“Naintindihan ko. Itong araw na to ay hindi lang para sakin; kundi para din sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa akin. Sa mga sumubaybay sa akin mula si­mula hanggang ngayon; sa mga patuloy na naniniwala–para sa mga hindi nawala.

“Itong araw na ito at ang lahat ng ginawa ko kanina ay para ho sainyo. Isang taon na ang lumipas at nasaksihan niyo ang lahat ng pagbabago sa buhay ko–maliit man o malaki–kayo ay nakatutok.

Maine Mendoza
Maine Mendoza

“Gusto kong magpasalamat sa lahat; sa mga sumusuporta, naniniwala, nagtitiwala at patuloy na nagmamahal. Ngayon alam ko na ang sagot sa mga katanu­ngan ko; kung bakit nga ba ako inilagay ng Diyos dito sa kinatatayuan ko.

Hindi lang pala ito basta-basta katuparan lamang ng pangarap ko. Siguro kaya din ako nandirito ay dahil alam Niya na sa mga simpleng bagay na ginagawa ko ay mayroon akong mapapaligayang mga tao.”

Anyway, ang pelikula nila ni Alden na Imagine You & Me naman ang hinihintay ng mga fans nila ngayon.

At kung ang social media ang titingnan mo, base sa kasabikan nila, siguradong ngayon pa lang ay maidedeklara mo na nga ang mega-box office hit ang movie nila ni Alden.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More