Una sa Balita

PAISTARAN: KRIS, GALIT NA GALIT ULIT KAY JAMES YAP!

By
0 166

Fighting mode na naman si Kris Aquino ngayon. Matapos nga ang ‘resbak’ niya sa entertainment editor na si Ricky Lo, ang ex-husband na si James Yap naman ang niresbakan niya kahapon.

Lumabas nga ang interview ni James sa pep.ph tungkol sa hindi niya pagkikita sa anak niya kay Kris na si Bimby, sa loob ng walong buwan.

At kahapon nga, nag-post si Kris ng collage photos nila nina Bimby at Josh, na magkakasama sa isang kama, at kuha nga `yon nu’ng birthday ni Josh. At sa bandang ibaba ay makikita naman ang photo na magkakasama sina James Yap, Daniel Padilla, at mga business partners nila sa bar na itinayo nila.

Pero, sa itaas ng photo na `yon, mababasa naman ang mga linya ni Kris na…

“Parenting isn’t a competition, it should be cooperation – even if we are already long annulled as a couple.”

At sa caption naman, nakalagay ang mga linya ni Kris na…

“I have a full blog post in reply to this interview given at the opening of a “bar”. There comes a point when being QUIET just doesn’t cut it anymore. I tried my best to be PROPER, to maintain dignified silence for the sake of PEACE- but when the other party is again playing the sympathy card, the mother in me just has to say ENOUGH IS ENOUGH…

“Pls read the rest on my FB account RealKrisAquino. Just click on my IG BIO for easy access…”

Anyway, mababasa nga ang suporta kay Kris ng mga followers niya, na sinasabi nga nilang mabuting ina si Kris.

At siyempre, sunud-sunod din ang pagbatikos nila kay James Yap, na nagsasabing wala raw itong kuwentang ama, dahil ito pa ang ‘nagsawa’ sa pakikisama sa anak. 

RACHEL PETERS, EXCITED NANG
RUMAMPA SA MISS UNIVERSE!

Rachel Peters

Mas pretty, mas sexy sa personal si Miss Universe 2017 Rachel Peters. At sa true lang, habang tinititigan mo siya, mas lalo pa siyang gumaganda.

Ang kaseksihan niya, literal na puwede mong ikumpara sa mga mannequins, o manika, dahil sa ganda ng hubog ng katawan niya. Iisipin mo nga na parang hindi siya kumakain, dahil ‘perfect’ talaga ang alindog niya.

Alam ni Rachel na marami ang tumututok sa kanya ngayon, lalo na `yung mga nag-aalala, o concern, na dapat ay muling masungkit ng Pilipinas ang korona sa Miss Universe, na napanalunan nga ni Pia Wurtzbach nung 2015.

Diet, training sa gym, at marami pang iba, ang madalas daw niyang gawin sa buhay niya ngayon.

“A lot talaga. Aside from diet, we also have training for walking. We also have hair and make up training, and of course, Q and A,” kuwento ni Rachel, nang makatsikahan namin siya sa grand opening ng Pizza Hut sa Mall Of Asia, ang maituturing na pinakamalaking outlet ngayon sa Pilipinas, na may mahigit 150 katao na puwedeng ma-accommodate.

Naikuwento rin ni Rachel na nag-text siya kay Pia kamakailan, para humingi ng payo, o tips sa mga dapat niyang gawin. Aminado siya na mataas ang pressure, at lalong tumitindi, lalo na at halos lahat yata ng tao na nakakasalubong niya, ang tungkol sa pressure na mag-represent ng Pilipinas sa Miss Universe ang tinatanong sa kanya.

“It’s getting closer and closer. Pero, wala pang date. Sana ma-announce na nila. Pero, more than pressure, mas excited talaga ako.

“I texted Pia, at tinanong ko siya, na at this point, 2 years ago, ano na ang mga ginagawa niya. At nagbigay naman siya ng tips…” sabi ni Rachel.

Pero, ayon na rin sa kanya, naniniwala siya na bawat tao ay may kanya-kanyang katangian, kapalaran, at siyempre, kanya-kanyang strategy, sa kung paano ba lumaban, hindi lang sa Miss Universe, kundi pati na rin sa buhay.

At tulad ng mga naunang beauty queens, excited daw siyang ipakita rin sa lahat ang inaaral niyang klase ng walk. Kung may tsunami walk, pilapil walk, tornado walk, at kung ano-ano pang walk, dapat din daw abangan ang pa-effect ni Rachel.

“Hindi ako sure kung ano ang itatawag sa walk ko. Ang daming mga pangalan. Secret pa… No name pa… We’re still training and working on it.”

Ibinalita rin ni Rachel na Pinoy designer ang gagawa ng gowns at national costume niya sa Miss Universe. Binanggit nga niya ang pangalan ng Pinoy designer na si Val Taguba, na siya ring gumawa ng black wedding gown ni Maja Salvador sa teleserye ng ABS CBN na Wildflower.

“I think its also right na gamitin natin ang mga designs ng mga Filipino designers, because we’re representing the Philippines. And Filipino people have so much talent.

“And ang Miss Universe, malaking chance ito para i-showcase natin ang talent ng mga Pilipino,” sabi pa rin ni Rachel.

Anyway, kasama nga pala ni Rachel na dumalo sa grand opening ng Pizza Hut sa Mall Of Asia ang mga fellow beauty queens niya tulad ni Mariel de Leon, Bb. Pilipinas-International, at iba pa.

“The move to renovate and make the store in SM Mall of Asia bigger, better, and a venue to experience the total pizza experience is also made possible by Pizza Hut’s strong partnership with SM Prime Holdings, Inc, SM mall subsidiary,” tsika ni Lorent Adrias, ang Chief Marketing Officer of Philippine Pizza Inc.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More