Una sa Balita

PAISTARAN: KRIS, DINEDMA NI HERBERT SA KASAL NINA ALFRED-YASMINE?

By
0 378

Si Kris Aquino na rin ang nagbansag sa sarili niya na Ninang Of All Media, dahil nga madalas ay ninang na ang role niya, hindi sa harap ng kamera, kundi sa tunay na buhay.

At last Sunday nga, isa siya sa mga ninangs sa kasal nina Cong. Alfred Vargas at Yasmine Espiritu sa Manila Cathedral, na may pa-hashtag na #vargasnapagibig.

Isa sa mga ‘abay’ si Mayor Herbert Bautista, at nag-expect kami na kahit papaano ay magkakaroon kami ng photos na magkasama silang dalawa.

Pero, nauna si Ma­yor Bistek sa simbahan, at nasa isang sulok lang siya. Si Kris ang isa sa mga huling dumating sa mga sponsors, at ilang mi­nutes pa lang ay sinimulan na ang kasalan.

Feeling ko, sa reception sa Manila Peninsula na puwedeng magtagpo ang dalaga. Pero, hindi `yon nangyari, dahil parehong wala sina Kris at Mayor Herbert sa wedding reception.

Sa Instagram ni Kris, makikita agad na nasa pool siya, suot ang gown, at nakalublob sa tubig, kasama ang anak na si Bimby.

“Birthday boy @nix722 wanted a pic- my gown got a bit wet, so we decided, may as well make it a mini photo shoot w/ a cute lifeguard ready to rescue me. Gown was by @michaelleyva_ (have a wonderful show tomorrow #marrymeatmarriott),” sey ni Kris.

Sa Instagram ni Tita Lolit Solis, mababasa kung paano niya ininis-inis si Kris, na tipong imina-match niya ito kay Jomar Ang, anak ni Ramon Ang, na nasa kasal din nina Alfred at Yasmine.

At kinukulit din niya si Kris, na kesyo nakita niya na nagsusulyapan sina Kris at Herbert nung nasa simbahan ang dalawa. Na kesyo magtatapat sa pagka-Mayor sa 2019 sina Vice-Mayor Joy Belmonte at Kris Aquino.

Heto ang mga sagot ni Kris sa mga post ni Tita Lolit:

“@akosilolitsolis patulog na ko Nay but @nix722 showed me your posts. Politics in 2019 isn’t part of my plans- I’m building my food & digital empire. I really do want to work w/ you on TV or radio, payag akong magpaapi sa’yo BUT the difference is I won’t cry anymore, I’ve learned to give as good as I get. ? And I didn’t look at the QC Mayor, neither did he attempt to say hello to me- it is BEST this way…”

“@akosilolitsolis please spare Jomar- malaki utang na loob ko kay boss RSA. I can afford to give you allowance everyday. In fact you can manage me for TV, hala maloloka si birthday boy ALV.”

HEART, AGAW-EKSENA SA SONA!

Ang ganda-ganda na naman ni Heart Evangelista kahapon sa pagdalo niya sa SONA ni PDU30. Although, hindi naman ganun kaagaw-eksena ang white Filipiniana gown na suot niya, at simpleng-simple rin ang ayos ng buhok at makeup niya, pero dahil pretty talaga siya, kaya angat na angat pa rin talaga ang ganda niya.

Ang cool ng white gown na suot niya, at feeling ko nga, kumu-Koreana na talaga ang beauty niya, ha!

Anyway, tuloy-tuloy ang taping ng My Korean Jagiya, at katunayan, nag-aral na nga si Heart na magsalita ng Korean. Eh, majority nga sa mga eksena niya ay kinunan pa sa South Korea, na nakatakda raw umere sa August 21.

Pero teka lang, patuloy na nangungulit ang mga fans kung sino ba talaga ang Korean actor na lea­ding man niya. Tikom pa rin kasi ang bibig ni Heart, at palaging naka-blurred ang face ng lalake na kasama niya sa Instagram stories niya.

Eh, 2 weeks ngang nakasama ni Heart ang Korean actor na `yon, ha!

Pero, para kay Heart, ang totoong mga Korean stars na nasa puso niya ay sina Rain at Song Hye Kyo.

Anyway, kasama pala dapat ni Heart ang anak ni Sen. Chiz Escudero na si Chesi sa South Korea nung nag-taping sila roon, pero hindi ito natuloy. Balita ko, fan na fan din Korean drama ang bagets, ha!

Korean actor na leading man  ni Heart sa My Korean Jagiya,  may big reveal bukas sa 24 Oras!

Sa wakas ay opisyal nang ia-announce sa 24 Oras ang Korean actor na magiging lea­ding man ni Heart Evangelista sa “My Korean Jagiya.”

 Kaya ngayong Martes (Hulyo 25), malalaman na ang identity ng mystery man na matagal nang hinihintay makilala at mapanood ng Kapuso viewers.

 Talagang kapana-panabik ito dahil matagal ng usap-usapan ang Korean actor na magiging kapareha ni Heart sa pinaka-unang GMA-produced drama series na partly shot sa Seoul, South Korea.

Bukod sa kanyang leading man, ilang professional Korean actors din ang pasok sa all-star cast ng original romantic soap opera na ito ng Kapuso Network.

 Sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes, makakasama ni Heart sa serye sina Janice de Belen, Ricky Davao, Iya Villania, Edgar Allan Guzman, Valeen Montenegro, Frances Makil, Jinri Park, Myke Salomon.

 Tutukan ang big reveal na ito sa 24 Oras bukas ng gabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More