Una sa Balita

PAISTARAN: KRIS, BAGONG BABAE NI WILLIE?

By
0 9

Bago pa man nag­labas ng photo si Kris Aquino sa Instagram niya na kasama si Willie Revillame, nakita na namin ang mga photos ni Sugar Mercado sa Facebook account niya na tila seryosong nag-uusap sina Willie at Kris.

Ang hashtag na #willandkris at naka-tag sa GMA Network ang mababasa mo sa mga photos na `yon, na may caption din na ‘Soon lovelovelove’.

At `yun na nga, ilang oras ang nakalipas, nag-post na si Kris ng photo nila ni Willie, na kasama ang manager niya na si Arnold Vegafria, at ilang mga tao.

Abante Hiring – IT dep

 “I had a productive 5 hour meeting with my future BOSS & his core staff. Exciting times ahead. Good night!” sey ni Kris.

Siyempre, ang pagsasama sa isang show nila ni Willie sa GMA 7 ang iniisip ng lahat. At kahit hindi naman sagutin ni Kris isa-isa ang mga nagtatanong sa kung para saan ang pagsasama nila ni Willie, obyus naman na sa show ni Willie `yon at sa GMA 7 ‘yon.

Hindi naman puwede sa ABS-CBN 2, dahil tulad ni Kris, hindi na rin makabalik doon si Willie.

At ang GMA 7 talaga ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makabalik ulit sa TV, matapos siyang paalisin sa Dos, at mawala sa TV5.

Pero, nakakaaliw lang ang palitan ng tsika sa Instagram ni Kris. Ngayon pa lang, nili-link na si Kris kay Willie, na ikinaloka ni Kris.

“Sana kau na lang ni kuya Will… mukhang bagay kayo, mabaet kau pareho,” sabi ng netizen na si purplebratzz.

Na sinagot naman ni Kris na…

“I really hope this is a parody account. #kalurk We Are Too Old!” sagot ni Kris.

Well, balik-TV na nga ulit si Kris, at si Willie pala ang magiging dahilan para makabalik siya sa harap ng kamera.

Si Willie, na nu’ng nasa ABS-CBN sila pareho, nasangkot sa isang isyu na may kinalaman ang pagkamatay ng nanay ni Kris noon.

Paolo, gaganap na anak na bading ni Nora!

Sobrang excited na si TF o Tita Fanny Serrano na mag-shooting sa inalok na movie sa kanya ng Superstar na si Nora Aunor. Tsika ni TF, kapatid na bading ni Ate Guy ang role na in-offer sa kanya.

At yes, si Ate Guy raw mismo ang producer ng indie film na `yon. At yes pa rin, bongga ito, dahil makakasama rin nila si Paolo Ballesteros, na gaganap naman na anak na bading ni Ate Guy.

“I’m soooo honored!” sabi ni TF.

Water-oriented experiments sa I-Bilib!

Tag-ulan, tag-bagyo na talaga. Kaya naman sina Chris Tiu, James and Roadfill ng MoyMoy Palaboy, at ang StarStruck Avenger na si Arra San Agustin, nag-concentrate on water-oriented experiments:

Sa Bilibabols, magkakarera sila gamit ang PVC water pipes and pingpong balls.

Meanwhile, the secret of aerial ballet on hoops is exposed in Discover Science.

And for “Huling Hirit,” Chris asks the guys to arrange, in a challenging manner, 6 balls made of clay.

All of these  nowhere else  but on everyone’s favorite science show on Sunday mornings, “I-Bilib!” sa GMA 7.