Una sa Balita

PAISTARAN: KIM, BALIW-BALIWAN KAY STEPHEN CURRY!

By
0 3
Kim Chiu
Kim Chiu

Birthday kahapon (April 19) ni Kim Chiu, at dahil 27 na siya, isang matagal na ngang pangarap ang tinupad niya para sa sa­rili. Ang bongga lang ni Kim, dahil walang kinalaman sa pagiging aktres niya ang ginawa niya, bagkus ay ang pagiging ‘sporty’ niya, na wala nga sa hinagap ng lahat.

Nung sumabak siya sa duathlon (biking and running), marami na ang nagulat. Ang akala ng lahat, dahil lang `yon sa teleserye niyang Ikaw Lang Ang Iibigin, na ginagawa nila ngayon nina Jake Cuenca at Gerald Anderson, na kung saan ay ganun nga ang role niya.

Pero, umabot na nga si Kim sa point na naki­pag-compete na siya, at masigabong palakpakan ang hinamig niya. Na ang dati nga raw patpatin na parang walang energy, heto’t subsob sa sports.

Anyway, kahapon nga ay ang basketball naman ang pinagtuunan ng pansin ni Kim. Makikita nga sa kanyang Instagram wall ang video na kung saan ay todo-kilig siya habang kinukunan ang pagwa-warm up ng mga NBA players.

Panay ang sigaw niya nang… “Oh my God! Oh my God!” habang paikot-ikot sa loob ng arena.

“Hi!!! Hiiii Stephen Curry!!!” tili pa ni Kim, na akala mo ay super-close sila ng sikat na NBA player.

“OMG! Parang ang lapit-lapit ko na. Oh my God! Oh My God!” tuloy-tuloy na sambit pa rin ni Kim.

Enrique, Liza, Raffy Lopez, Xian at Kim

Sunud-sunod din nga ang posts ni Kim tungkol sa karanasan niya sa loob ng Oracle Arena, na kung saan ay kasama nga niyang nanood sina Xian Lim, Enrique Gil at Liza Soberao.

“@chinitaprincess:First time to watch the NBA Playoffs! Super-cool experience to be inside the O­racle cheering for Warriors vs. Blazers and was surprised na magaling din pala si number 0 and number 3 of Trail Blazers but KD and Curry did great too!!! Thank you Sir Raffy Lopez for the tic­kets and for giving us a great experience wat­ching it live!!! One for the books!!! And oh!! HAPPY BIRTHDAY also Sir Raffy!!! April 19 represent!!!” unang sey ni Kim.

“@chinitaprincess: I usually watch NBA when it’s Playoffs time!!! So happy that I was able to watch a playoffs game LIVE for the first time!!! Another ✔️ for my #KIMadvenCHIUre thanks again Sir Raffy!!! #playoffs2017 #game1,” sunod na sey pa ni Kim.

“@chinitaprincess: OMGg to the highest level!!! In-edit out ko na ‘yung maraming “Oh My God!” Warriors fan FOR A DAY! Pano pa kaya pag si Lebron James na ‘yung nasa harap ko baka mahimatay na ko sa court side!!!! #playoffs2017 #game1,” say pa rin ni Kim.