Una sa Balita

PAISTARAN: Judy-Wowie, Gladys-Christopher, super-tsika sa ‘Mara Clara’ reunion…

By
0 149

Biglang nabuhay ang dugo ng Mara Clara fans last week, dahil muli ay nagsama-sama ang mga idolo nila sa isang bonggang reunion, na pinamunuan nga nina Gladys Reyes at Judy Ann Santos.

Makikita nga sa Instagram account ni Gla­dys ang mga photos sa na­ging reunion nila ng Mara Clara, na nagsimu­lang mapanood noong 1992 at natapos nung 1997.

Ang hashtag na #Ma­raClaraOrig­Reu­nion 2016, ang ma­ki­kita mo nga sa bawat photos na pinu-post ni Gladys.

Bongga nga para sa akin ang picture na pinilit sanang gayahin nina Gladys at Juday ang poster ng Mara Clara.

“We tried our best na gayahin sana ang nasa poster ng Mara Clara, pero tawanan ang ending. #bungisngissilaMaraClara. #MaraClaraOrigReunion2016.

Pero siyempre, ang picture na magkakasama ang dating magka-loveteam at magdyowa na sina Juday at Wowie de Guzman, at ang mag-asawa na ngayong sina Gladys at Christopher Roxas, ang siyang pinutakti ng mga followers ni Gladys, na sabi nga nila, biglang nabuhay ang mga dugo nila, at para silang ibinalik sa early 90s na panahon. Super-tsika nga ang mga magdyodyowa sa Mara Clara noon, ha! Tsikahan na siyempre ay tungkol sa nakaraan nila, at sa kung ano na sila ngayon, bilang mga magulang.

Join din si Paolo Contis sa reunion na gumanap noon na Jepoy, at yes, kasama ang dyowa niyang si LJ Reyes.

“Thank you Jepoy @paolo_contis for bringing LJ to our reunion. He said, “Pinapanuod daw tayo ni LJ nung bata pa sya” told her, “bata pa rin kami nun…” caption ni Gladys sa picture nila na kasama nga sina Paolo at LJ.

Anyway, ipinost din ni Gladys ang mga on and off cams photos nila ni Juday nung mga bata pa sila, na nakunan nga sa taping ng Mara Clara noon.

At ang ganda, dahil kitang-kita nga sa mga off camera photos nila kung gaano sila ka-close na dalawa, ha!

Kiray, sobrang kilig kay Enrique!
Enrique, bet agawin ni Kiray kay Liza!

kiray-enrique-001
Enrique Gil at Kiray

Usung-uso ngayon sa social media ang ‘How To Be You Po’ na sinasabi nga na paano ba maging ikaw? At sa Instagram ni Kiray, pinauso niya ang How To Be Tonton. Si Tonton ang character ni Enchong Dee sa I Love You To Death, na movie nila ni Kiray.

Sa How To Be Tonton challenge ay gagayahin nga ng mga artistang lalake ang poster nina Kiray at Enchong, na kung saan ay hinahalikan nga ni Enchong ang kamay ni Kiray.

Sina Joseph Marco at Enrique Gil ang mga kumagat sa challenge na `yon. At obyus na parang mas kinilingan ni Kiray si Enrique, kesa kay Joseph, ha!

Si Joseph ay isa lang ang photo with Kiray, samantalang with Enrique, series of photos `yon, ha! At yes, ramdam mo nga na kilig na kilig si Kiray kay Enrique, ha!

“HOW TO BE TONTON challenge! Hihihi! Thanks@enriquegil17! #ILoveYouToDeath.”

“Ahhh ehhhh! Smile raw siya para iba kay TONTON! HAHAHAHA. HOW TO BE TONTON part 2 ni Quen! 🙂 #ILoveYouToDeath!” tsika ni Kiray.

Naku, may balak pa yata si Kiray na agawin si Enrique sa piling ng super-gandang si Liza Soberano, ha! At ang mga followers nga ni Kiray, mega-sulsol at push sa kanya na sige, ikakampanya nila, na magka-movie sina Enrique at Kiray, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy