PAISTARAN: JOHN LLOYD AT ELLEN, TULOY ANG LIGAYA!

“Wala akong pinagsisisihan! Nalungkot lang ako sa dirty finger!” -- John Lloyd

By

Tuloy ang ligaya nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, kesehodang nagsusumigaw ang hiling ng mga netizens, fans, na mag-ingat ang binata, at humiwalay na sa sexy star.

Mababasa sa social media ang request ng fans kay Lloydie na iwasan na nito si Ellen, dahil sa nangyari kamakailan. Na mag-ingat na ito sa susunod, at pumili na lang talaga ng mga dapat samahan.

Pero sorry na lang, dahil sa latest na IG stories ni Ellen, makikita ang video ng masasayang sandali nila ni John Lloyd. Mga halakhak na alam mong nagmumula sa kanilang mga puso.

Anyway, makikita sa IG vid ni Ellen na tsinitsika-tsika niya ang isang security ng sikat na hotel dito sa Manila, at tinatanong niya ito kung ano ang pangalan ng aso (K-9) na bitbit nito, na buong giliw naman na sinagot ng naturang security na John Lloyd ang name ni dog.

At ifinocus na ni Ellen ang video niya sa dog, at yes, katabi ng dog si Lloydie, na nakahiga sa floor, at naka-peace sign. Kitang-kita na masaya si Lloydie sa video na `yon.

Pero, biglang tumayo ang dog, at sabi ni Ellen, “Ayaw niya sa iyo, sa akin gusto niya,” na ang kasunod ay ang malalakas na halakhak nila ni John Lloyd.

Well, tuloy lang nga ang ligaya, at deadma lang si John Lloyd sa mga hiling nga mga followers niya.

Katunayan, sa Facebook post ni Ogie Diaz, na co-star nina Ellen at John Lloyd sa Home Sweetie Home ng ABS CBN, tila inabswelto pa ni John Lloyd si Ellen, at ang mga kasamahan niya sa bakasyon na `yon sa Santa Fe, sa Cebu, na wag nga silang idamay.

Heto ang post ni Ogie Diaz…

ellen-ogie-john-lloyd“Niyakap ko si JLC pagkita namin sa taping ng “Home Sweetie Home.” Alam na niya ang ibig sabihin ng mahigpit na yakap.

“Natuto ako, Ogs. Wala naman akong pinagsisisihan, we were enjoying that time.


Nalungkot lang talaga ako dun sa dirty finger. Ayoko siyang makita ng mga bata. I’ve learned so much from this. I’m really sorry.”

Natuwa din si JLC, dahil despite the viral videos, marami pa rin daw siyang nabasang comments na ipinagtanggol siya at naintindihan siya.

“Gulat talaga ako du’n. Dami nag-defend din sa akin sa mga comments. Nakakatuwa. Pero siyempre, lesson learned for me ito. Thank you sa lahat.”

Inaako din ni JLC ang pangyayari at huwag na lang daw idamay si Ellen Adarna at ang kaibigan nitong nag-upload.

In fairness to majority of the netizens, madali silang makaunawa, magpatawad lalo na at first time lang naman ito nangyari kay Lloydi.

Wala naman siyang tinapakang ibang tao, wala naman siyang dinehadong kapwa. Naalala pa rin ng mga tao na TAO lang din si Lloydi. Tulad natin, nagkakamali, nagsisisi at natututo.

Nangyari na ang nangyari, next step: moving on and moving forward.

SHARE