PAISTARAN: JESSY, PUNO NG ‘WUV’ ANG B-DAY MESSAGE KAY LUIS!

By

Jessy at Luis

Punong-abala si Jessy Mendiola sa pa-surprise birthday kay Luis Manzano kahapon (April 21). Ang bilis ng panahon, dahil parang kailan lang…

Anyway, bukod sa madam­damin at puno ng pagmamahal na birthday message kay Luis sa Instagram wall niya, makikita rin sa IG stories ni Jessy ang surpresa nila kay Luis, na sa bandang huli ay may katumbas na halik.

“@senorita_jessy: Happy birthday my love! Thank you for making me believe in love again. So much has happened, but here I am falling more in love with you each day. You make people happy by just being yourself and I am very proud of that. You deserve good things because you are a good person inside and out. I love you very much and I will always be your Chopie,” sabi ni Jessy sa mga photos nila ni Luis.

At sa IG stories nga na nagbu-blow ng mga birthday cakes si Luis, makikita naman ang pa-chargen, caption, ni Jessy na, ‘Happy birthday wuv ko.’

Na siyempre, laking pasasalamat ng binata ni Cong. Vilma Santos, dahil feel na feel niya ang effort ng kanyang dyowa, na paligahayin siya.

“@luckymanzano: Thank you wuvwuv!! Thank you for making my birthday extra special.”

Millennial na millennial ang pa-cute na pagbanggit ng ‘wuv’ instead na ‘love’ nina Jessy at Luis sa isa’t isa. At malaki nga ang nagawa ni Jessy kay Luis, dahil habang tumatagal, lalo yatang bumabata ang binata.

Kung titingnan mo ang kalendaryo, at hintuturo ng orasan, puwede na ngang mag-asawa si Luis. At sa estado ng buhay ni Luis, handang-handa na rin naman siya.

Sabi nga ng The Voice Teens host, handa na rin naman siya. Pero si Jessy kaya, na nasa early 20s pa lang, handa na rin kayang mag-asawa?

Well, ang importante naman ngayon, happy sila, at in love sila. ‘Yun nga lang, may mga followers pa rin sila, na parang hindi tanggap ang relasyon nila.


Ang iba, umaasam na si Angel Locsin pa rin ang makatuluyan ni Luis.

Pero sorry na lang, dahil sa ngayon, kay Jessy na talaga ang puso ni Luis.

ANGEL, SINABAYAN ANG BIRTHDAY NI LUIS!

Angel Locsin
Angel Locsin

Samantala, parang kasabay naman na nag-celebrate ni Luis ang ex-girlfriend niyang si Angel Locsin. Bagamat sa Sunday (April 23) pa ang birthday ni Angel, sinabayan naman ng staff ng La Luna Sangre ang pagsu-surprise rin kay Angel sa mismong taping nila.

Feeling ko tuloy, parang pelikula ang pinanonood ko, na split-screen lang, na ang mag-ex-dyowa, sabay nag-party talaga.

Baka naman kaya in-advance ang pag-greet nila ng happy birthday kay Angel, dahil baka nga sa Sunday ay wala ang aktres.

“Sa gitna ng kangaragan niyo, nagawa nyo pang mag-surprise. Thanks LaLunaSangre team for the surprise pa-birthday cake,” sabi naman ni Angel.

Anyway, ibang-iba na nga ang sitwasyon ngayon. Kung noon, makikita mo sa wall ni Angel ang mga mensaheng puno ng pagmamahal mula kay Luis, ang mga tanong ng followers niya ang mababasa mo ngayon, tungkol naman sa kung ano raw ba talaga ang meron sa kanila ni Neil Arce, ang producer ng Luck At First Sight, at ex-boyfriend ni Bela Padilla.

May mga followers na ang feeling nila, dapat talagang mag-explain sa kanila si Angel. Pero, marami rin naman ang nagsasabing kahit na sino pa ang mahalin ng dalaga, tanggap nila, at mamahalin pa rin nila ito, at susuportahan ang career.

SHARE