Una sa Balita

PAISTARAN: JESSY-LUIS, KASALAN NAAAAA!

By
0 372

Sure na sure na ang netizens, na sa kasal mauuwi ang relasyon ngayon nina Jessy Mendiola at Luis Manzano. At base `yon sa nakikita nila sa mga social media accounts ng dalawa, ha!

Aba, sa Instagram nga nina Luis at Jessy, malaya nilang naipapahayag ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

At sa IG accounts pa rin nila, kadalasan talaga ay maiinggit ka sa kanila, lalo na kung loveless ka, wala kang dyowa, dahil sa sobrang tamis ng pagsasama nila.

Ang magbigay ng oras sa isa’t isa, ‘yan ang goals nina Jessy at Luis, kapag nalibre sila sa trabaho. Tulad na lang ngayong week na ito, na hindi nagdalawang isip sina Luis at Jessy, na lumublob sa dagat, dahil may libreng oras nga sila.

Sa kanilang mga IG stories, makikita rin ang sobra-sobrang tamis ng lambingan nila.

Hi wuv ko ❤️ relaxed?

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano) on

Positive na positive ang atmosphere, at mapapa-wow ka na nga lang, dahil feel na feel mo talaga ang pagmamahalan nila.

At bagamat may mga kumukontra pa rin sa relasyon nila, at ihinahalinturlad pa rin si Jessy sa ex-girlfriend ni Luis na si Angel Locsin, mas lamang na ngayon ang pabor sa relasyon nila.

Bakit nga raw kailangan pang tutulan ang pagmamahalan ng dalawa.

“@luckymanzano: Hi wuv ko ❤️ relaxed?” simpleng caption ni Luis sa picture nila ni Jessy.

Sa naturang photo nga, kahit sino ay gugustuhin na ma-in love. Kitang-kita kasi ang kaligayahan na pinagsasalusan nila sa picture na `yon, na habang nasa ibabaw ng tubig, na parang nakahiga si Luis, nakahilig naman sa dibdib niya si Jessy, na tila natutulog, na nakangiti.

Kaya ang verdict ng mga fans, kasalan na ang kasunod.

“Sweetness #kasalan na!” sabi ng ilang followers nila.
“Love love love. Abot hanggang Quezon ang sweetness Luis and Jessy!”
“Aww too much sweetness.”
“Stay in love.”
“She’s so beautiful.”
“Ang tamis po! Bagay na bagay!”
“Ang tamis naman nyan!”
“Great Couple you both!!!!”
“Bagay kau sana forever na po kau!”
“Kasalan na yan!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More