Una sa Balita

PAISTARAN: JESSY, ITINANGHAL NA SEXIEST WOMAN!

By
Jessy Mendiola
0 2

Magkahalong iyak, tawa at hiya ang naram­daman ni Jessy Mendiola nang i-announce sa kanya ng siya ang wagi bilang Sexiest Woman ng FHM poll. Sa Instagram nga ni Jessy, kitang-kita ang magkakahalong emotions niya, na hindi nga niya inaasahan na mananalo raw siya.

Sa mga naung resulta ng FHM, naglalaro sa number 3 at 4 ang ranking ni Jessy, at nung huli nga, nag-number 2 na siya, at nawala nga ang dating number 1 na si Nadine Lustre. At sa huling bilangan nga, si Jessy na ang nagwagi.

Sey ng netizens, finally ay nakuha ng ABS-CBN talent ang Sexiest Woman title, na madalas nga, nitong huli ay pinagpasa-pasahan lang nina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, at Sam Pinto.

“Surreal. Thank you,” simpleng message niya sa Instagram account niya.

Anyway, kung kaseksihan ang tapang ng loob­ ­ang pagbabasehan, winner naman talaga si Jessy pagdating sa pagdi-display ng alindog. Nitong bago nga mag-summer, hanggang sa pagtatapos ng summer, madalas na pagpiyestahan ang social media accounts ni Jessy, dahil sa mga sexy photos na ipinu-post niya.

Well, congrats, Jessy! Pero teka, ano kaya ang reaction ng mga fans ni Nadine Lustre, na ginusto talaga ng mga JaDine fans na manalo siya. Natakot nga ba sila na i-push ang idol nila na maging #1, dahil na rin sa pagbibiro ng may kasamang katotohanan ni James Reid, na hindi siya papayag na rumampa ng seksi ang love niya?

Pero hirit nga ni James sa interview sa kanya, seryoso niyang sinabi na hindi siya nagtataka na lumaban sa pa­seksihan ang kanyang girlfriend, dahil seksi naman daw ta­laga si Nadine.

PNoy, nakipagkulitan agad kina Kris, Bimby at Josh!

Sunud-sunod ang posts ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account tungkol sa pagtatapos ng termino ng kuya niyang si Noynoy Aquino. Magkakasama nga sila nina former Presi­dent Noynoy, mga anak niyang sina Joshua at Bimby sa mga photos na `yon, na kuha sa bahay ng mga Aquino sa Times Street, Quezon City.

PNoy, Joshua, Bimby at Kris
PNoy, Joshua, Bimby at Kris

Anyway, heto ang mga mensahe ni Kris:

“Last IG Moment before Noy starts to enjoy his quiet­ life & by God’s grace may true & lasting love find him…

“When I was praying last night, I thanked God for the memories we will treasure. What stood out in my heart was the opportunity to have been in the presence of /react-text @franciscus. Attending His Mass w/ all other Filipinos who share our faith, and all the times Tito Noy made an extra effort to include Kuya Josh & Bimb… May God continue to bless President Duterte & Vice President Robredo, the success of our leaders is also the success of our country. MABUHAY ANG DEMOKRASYA!”
“Kulitan. Family.”

“Last picture w/ our team. They all have new assignments, dropping us off in Times was the last part of their duty. Having experienced this 24 years ago in 1992 prepared me for all the emotions of today, 2016…

“To quote a favorite song, “And if being real means you’ll someday say goodbye, remember my friend goodbye’s not the end, it’s a circle you know and it starts with one hello.” #ProudPinoy.

Marian at Kris tsikahan,mapapanood ngayon sa Yan Ang Morning!

Speaking of Kris Aquino, after a long time, muli nga siyang tumungtong sa bakuran ng GMA 7, at ‘yon ay dahil kay Marian Rivera.

Ngayong 9:30 ng umaga nga mapapanood kung paano nagtsikahan sina Kris at Marian, at kung ano ang mga pinag-usapan nila.

I’m sure, napagtsikahan ng dalawa ang tungkol sa pakikipagrelasyon sa lalake, at tungkol sa career nila.

O puwede rin na tungkol sa kung paano ma-maintain ang kagandahan nila.

O siya, watch ninyo na lang ang Yan Ang Morning ngayong umaga, at malaman kung may mga gagawin pa ba siyang bagong show sa GMA o dahil lang sa naipangako niya ito kay Marian, kaya nag-guest siya sa GMA show.