Una sa Balita

PAISTARAN: JAKE AT PAULO, SWEET AT CHEESY ANG ‘BROMANCE’

By
0 11
Jake at Paulo
Jake at Paulo

Naglalabasan nga­yon ang mga photos nina Jake Cuenca at Paulo Avelino sa kani-kanilang Instagram account, at may kasama pang mala-cheesy na mensahe para sa isa’t isa. At siyempre, cute na cute ang da­ting nun para sa kanilang mga fans.

Relationship goals. Friendship goals. Bromance goals. At Kung ano-ano pang goals nga ang itinawag sa samahan nilang dalawa.

Ramdam mo nga na mahal na mahal nila ang isa’t isa bilang magkaibigan. Nagkakasundo sila sa maraming bagay.

Na baka kung ibang mga aktor lang ang nasa ganitong sitwasyon, baka kung saan-saan na napunta ang usapan ng mga followers nila.

At least, sina Jake at Paulo, kahit tinutukso sila ng mga followers nila na ‘bromance’ nga at ‘sweet’ at ‘cheesy’ sila, alam mong biru-biruan lang `yon.

“@juancarloscuenca: Till the end? You can always count on me to always have your back. We are brothers you and I @pauavelino pv and j for life. #pvandj,” sabi ni Jake kay Paulo.

“@pauavelino: Looking at this person who transformed from 1 to 10. Such a fun vacation all about studying our character, self reflecting, and eating healthy. Proud of you @juancarloscuenca,” mensahe naman ni Paulo kay Jake.

At siyempre, dahil dun, nag-fiesta talaga ang mga fans nila. Parang ang tingin sa kanila ng mga followers nila, mga teenagers na magka-loveteam, ha!

“@ afifahmuthiaa:The best friendship @juancarloscuenca @pauavelino.”

“@ronah0402: Sweeeeeeet!!!”

“@d_al_mendez: Bromance. Sweet.”

“@mcpascual12: So cheesy @juancarloscuenca. Haha! But I love it. Wish I can have someone like you and @pauavelino in my bro circle.”

“@thisishazelrocks: Omegesh ang bromance.”

“@lemoneyd: Bromance.”

“@bujoyjoyzz: @alyjaein0824 O di ba sweet.”

“@alyjaein0824: @bujoyjoyzz Inggit nga ko eh.”

“@jessica_ng2410: Admire your friendship in showbiz.”

“@b_atz: You just don’t know @pauavelino how much you made us happy true friend like @juancarloscuenca  rare to find.”

“@marljane2811: Godbless to the both of you.. @juancarloscuenca @pauavelino.”

ARCI-CRISTINE VS. POKWANG-SUE, HUHUSGAHAN NI ANGEL!

Labanan ng makabago at lumang sayaw ang matutunghayan sa talent-variety show na I Can Do That sa kakaibang paghaharap ng dalawang grupo ng iCandidates ngayong weekend (April 22 at 23).

Dahil nga espesyal ang performances ay espesyal din ang mga huradong huhusga at magbibi­gay ng scores sa kanila, ang aktres na si Angel Locsin at ang choreographer na si Douglas Nierras, na makikipagsabayan sa kulitan sa iCandidates.

Magsasanib-puwersa sa LED poi dancing sina Gab Valenciano, Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, at Arci Munoz na aminadong pressured na manalo dahil lahat sa kanila ay nahirang nang weekly winners.

Ibibida naman nina Pokwang, Wacky Kiray, Sue Ramirez, at JC Santos ang kulturang Pinoy sa kanilang pagsayaw ng iba’t ibang uri ng Filipino folk dance. Manalo na kaya sa unang pagkakataon sina Pokwang at Kiray?

Aling grupo kaya ang magpapabilib kina Angel, Douglas, at ang mga manonood? Alamin sa I Can Do That ngayong Sabado at Linggo, 9:45PM sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like lang ang www.facwebook.com/ICanDoThatPH o sundan lang ang @ICanDoThatPH sa Twitter o Instagram.

BABAHA NG LUHA…

Ngayong patay na si Peter (Noni Buencamino), na naging dahilan ng kanilang matin­ding pagluluksa, paaano nga ba maiibsan ng pamilya Allegre ang hinagpis sa pagkamatay ni Peter? Ano naman kaya ang mangyayari kay Gloria (Sylvia Sanchez) ngayong pumanaw na ang kanyang pinakamamahal na asawa? Siguradong mas babaha ng luha isa sa mga araw na ito.

Huwag palampasin ang huling linggo ng hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak sa The Greatest Love, tuwing hapon pagkatapos ng The Better Half sa ABS-CBN or sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Panoorin ang past episodes ng programa sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/thegreatestlovetv.