Una sa Balita

PAISTARAN: ELLEN ADARNA, ‘BALING-BALI’ ANG ALINDOG SA ‘BALI’!

By
0 254

Baling-bali ang porma ng katawan ni Ellen Adarna sa mga inilabas niyang photos sa Instagram, na kuha ng kaibigan niyang si Vito Selma, sa bakasyon nila sa Bali, Indonesia.

Na-inspire yata si Ellen sa ‘Bali’ kaya nagpa-pictorial siya na ‘bali’ ang kanyang kaseksihan.

Level of difficulty 9.5 ?? @vitoselma

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Sa true lang, mahirap ang ‘posing’ na gina­wang `yon ni Ellen, ha! Ang mga babaeng praktisado, nag-uubos ng oras sa yoga, at mga labas-masok sa gym lang nga raw ang puwedeng ma­kagawa ng ganun.

Imagine, kahit nakahiga nga, nakatupi ang mga legs mo, at nakaliyad ang katawan mo, nagagawa mo pang ngumiti, at magpaseksi, o mag-emote talaga. Aba, buwis-buhay ngang maitutu­ring `yon, ha at maning-mani pa rin kay Ellen!

Pero, dahil bongga nga ang alindog ni Ellen, kayang-kaya niya `yon, although nagreklamo nga rin siya, dahil sobrang hirap nga raw ng ipinagawa sa kanya.

“This pose was hard haha @vitoselma thanks for the hard times hahahaha!” sabi niya sa isang photo niya.

“Level of difficulty 9.5 @vitoselma!” sey naman niya sa isa pang photo niya.

Anyway, si Ellen nga ang artistang ang dali-da­ling kumuha ng atensyon ng mga fans niya.

Kunsabagay, ikaw ba naman ang magsuot ng panty at bra lang, mag-tumbling nang mag-tumbling, at lumiyad nang lumiyad, na halos labas na ang puwet at boobs mo, o pisngi ng hiyas mo, lulusubin ka talaga ng mga followers mo sa social media.

This pose was hard haha @vitoselma thanks for the hard times hahahaha

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Anyway, heto nga ang mga komento ng mga netizens na manghang-mangha sa mga pa-etchos ni Ellen sa Instagram:

bibaariba “BaliNg-bali talaga mem!”
510.devil “The back pain is real in this shot.”
sub_29 “Bali ang likod.”
keljoy30 “Bali ang likod hahahhaha.”
goh_gti_mk7 “Wow. Masterpiece.”
lalaine1891 “Why so hot!”
lalaine1891 “Nakakatomboy ang kaseksehan!”
rae_yen “Buwis buhay na pero gwapa gihapon.”
geloujoe09 “Kaloka! balian ng katawan!”
sapphire0488 “Bali ang likod ni idol @maria.elena.adarna sa Indonesia. hahaha… Cute mo talaga idol!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More