Una sa Balita

PAISTARAN: Dennis, natawa sa halikan kay Anne!

By
0 8

Napasabak nga agad sa ma­tinding halikan si Dennis Trillo kay Anne Curtis, sa unang shooting pa lang nila para sa pelikulang Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend? At kuwento ni Dennis, kakaiba ang halikan nila ni Anne, dahil habang naglalampungan nga sila, humahalinghing si Anne.

“Oo nga, first scene namin ni Anne, tapos ganun agad. Medyo nakakakaba talaga (na may humahaling­hing na kahalikan mo).

“Mas mahirap para kay Anne, kasi siya ang nagmi-make ng sound, eh. Ako kasi parang nakikinig lang ako. Umuungol siya na parang sobrang nasasarapan siya.

“Habang nagki-kiss kami, gumagawa siya ng sound. Na parang nasasarapan talaga siya,” nakangiting tsika ni Dennis.

So, ano ang feeling na naririnig mo ang haling­hing ni Anne?

“Oo, dinig na dinig ko talaga. Ilang beses namin inulit ‘yon. Pero ‘yun nga, sa tuwing nakikita ko si Anne, nakaka-starstruck talaga.

“Tapos, ganun pa ang una naming eksena. Pero, kailangan lang talaga na maging seryoso ka, isipin mo ang eksena na para mapaganda lang siya lalo. Na ‘wag masyadong magkailangan. Nagawa naman namin ng maayos,” sey pa rin ni Dennis.

Pero, after that scene, ano na ang naging tingin mo kay Anne?

“Ganun pa rin naman. Medyo mas naging kumportable na ako sa kanya. At nakakatawa talaga ang scene na ‘yon.”

Pero, nag-enjoy ka rin siyempre?

“Nag-enjoy dahil maganda ang ginawa naming eksena, at nakakatawa talaga, at sigurado maaaliw kayo sa kanya,” patuloy na tsika ni Dennis.

Paolo, puwedeng ma-in love sa bading?
“Yun nga ang gusto ko! Charettt!” — Paolo

Bading nga ang role ni Paolo Balleste­ros sa pelikulang Bakit Lahat  Ng Gwapo May Boyfriend?, na dinirek ni Jun Lana. Siya si Benj, na naging dyowa ni Anne Curtis sa movie.

“Pero si Dennis ang bet ko dito. Eh, bakla nga kasi!” say ni Paolo.

Bakla rin si Dennis?

“Sa totoong buhay ba? Sa movie, sa script ako ang bakla. Ako, totoong bakla talaga, pero sa movie, ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

Si Dennis, ‘yun ang alamin niyo,” nanunuksong tsika ni Paolo.

Pero, ano ang feeling na nakatrabaho na niya sina Anne at Dennis?

“Si Dennis, nakatrabaho ko na siya noon sa Zaido. A couple of years ago. Ha! Ha! Ha!

“Si Anne, nakaka-starstruck. Yesss!!!! Pero ano, very masayahin, very positive, kahit saan natutulog. Tapos maraming dalang pagkain. Masaya naman. Saka, baka isipin mo parang maarte, hindi siya maarte. Parang normal na tao lang,” kuwento ni Paolo.

May kissing scene ba sila ni Dennis?

“Oo nga, bakit wala akong kissing scene kay Dennis?” tanong ni Paolo kay Direk Jun Lana.

“Meron, lalagyan natin, ihahabol natin,” tsika naman ni Direk Jun.

“Oh, meron pala. Mabuti naman!” sey ni Paolo.

Nahirapan ka ba sa gay role?

“Actually, medyo nahirapan talaga ako,” sagot ni Paolo.

Nag-alala nga ako para sa iyo, na baka hindi mo mabigyan ng justice ang gay role?

“Wow! Buti hindi ka medyo na-offend for me Ha! Ha! Ha! Ha!

“Okey lang naman. Siyempre, parating puro gay ang roles, pero iba-iba rin naman ang level” sabi ni Paolo.

Sino ba mas crush mo kina Anne at Dennis?

“In real life? Si Anne! Charet! Ha! Ha! Ha! Ha!” patawa-tawang sagot ni Paolo.

Naku, baka maungkat na naman ang mga tsikang bading ka, dahil bading nga ang role mo sa movie?

“Ha? May ganun bang tsika?” natatawang reaksiyon ni Paolo.

“Okey lang, kasi dahil sa mga tsika na ‘yon, heto, may movie. Na-justify ang pagiging bakla sa movie. So, carry lang! Ha! Ha! Ha!” tsika ni Paolo.

Puwede ka bang ma-in love sa bading?

“’Yun nga ang gusto ko, eh! Charet! Ha! Ha! Ha! Ha!” at nagtawanan na ang lahat.

“Hindi ko rin alam. Baka ‘pag dumating na `yung sitwasyon. Hmmmmmmmm! Ha! Ha!  Ha! Ha!” sey ni Paolo.