Una sa Balita

PAISTARAN: DENNIS-JENNYLYN, PINAG-IISIPAN NA ANG KASAL!

By
0 100

Pangiti-ngiti lang, na medyo nanga­ngapa ng sasabihin, ang reaksyon ni Dennis Trillo, nang tanungin namin ni Isah Red, kung pakakasal na ba sila ni Jennylyn Mercado.

?➕?=?

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

Lalo na at sinasabi nga na ‘Dennis is not getting any younger’, at sa sitwasyon ng career nila, okey na rin naman na magpakasal na sila ni Jennylyn.

Sabi nga, ang mga fans ngayon, hindi na tulad noon, na sobrang seloso. Sa ngayon, tanggap na at naiintindihan na ng mga fans ang relasyon ng idolo nila sa taong mahal nito, kahit hindi naman ito ang ka-love team ng idolo nila on cam.

“Ah, siyempre gusto ko rin naman mangyari `yon. Pero, marami pa kasing dapat i-consider.

Hindi pa sa ngayon,” sabi ni Dennis.

“Kahit sino naman, gustong mangyari `yon. Naiisip na rin, pero hindi pa napag-uusapan. Marami nga rin kasing kailangan isipin pa,” sabi pa rin ni Dennis.

Si Jennylyn ba ang hindi pa handa?
“Darating tayo diyan…” sagot niya.

JEN-DENNIS, LIVE IN NA?
“Ang 80s ng live in! Ha! Ha! Ha!” — Dennis

Feeling ng marami, magka-live in na sila ni Jennylyn? Madalas na nga siyang nakikita sa bahay ni Jennylyn.

“Ang 80s naman nu’ng live in! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Dennis, at dinedma na ang tanong.

Anyway, sa tantiya namin kay Dennis, mukhang gusto na rin talaga niya na sa kasal mapunta ang relas­yon nila ni Jennylyn. Sino nga bang pumapasok sa relasyon, ang hindi nangangarap magpakasal.

Si Dennis ngayon, hindi na nga siya ‘yung tulad noon na tinatago pa ang mga nakakarelasyon. Sa Ins­tagram account nga niya, makikita mo na rin ang lambingan nila ni Jennylyn.

At sabi nga ng marami, talagang nalalapit na rin ang pag-aasawa ng dalawa. Hindi lang ako sure kung ano ba `yung mga bagay na dapat pang ayusin, para maayos at maplantsa na ang kasal.

Sa ngayon, nasa marrying age na nga sina Jen at Dennis. Aba, 36 years old na rin si Dennis nu’ng May 12, at 30 years old naman si Jennylyn nu’ng May 15.

Ang edad ni Jennylyn na ito ang magandang age para mag-asawa. Ang age na 30 nga ang hinahabol ng ibang babae para mag-asawa, at magka-baby na rin, na hindi sila mahihirapan.

May mga babae nga na kapag umedad na ng 35, mahihirapan na sa pagbubuntis. At kung gusto nina Jennylyn at Dennis na magka-baby, at ma-enjoy pa nila ang pakikipaglaro sa magiging baby nila, isang taon hanggang dalawang taon na nga lang ang puwede nilang ibigay sa mga sarili nila, para sa sitwasyon na ‘yon.

Well, ang isang bagay siguro na kinu-consider ng dalawa ay `yung katotohanan na pareho silang sobrang busy.

Si Dennis ang bida ng Mulawin vs. Ravena. At si Jennylyn naman ang bida ng My Love From The Star, with Gil Cuerva.

Medyo napapaisip lang si Dennis, dahil possible na ang makalaban daw ng Mulawin vs. Ravena ay ang La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na kung saan ay mag-a-appear nga sa mga unang episodes sina Angel Locsin at Richard Gutierrez, ang mga bida noon sa Mulawin.

Pero baka matagalan pa `yon, dahil sa ngayon, ang papalitan nila ay ang Encantadia, na ang kala­ban ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Well… wait and see na lang tayo…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More