Una sa Balita

PAISTARAN: “CHANGE TOPIC! SECRET!” — PAOLO 

By
0 2
Paolo Ballesteros
Paolo Ballesteros

Isang dancer choreographer ang tinuturong ‘other hand’ na may singsing sa photo na pinost ni Paolo Balleste­ros last Saturday, na may watermark na ‘2nd. I love you’.

Naka-tag kasi ang name ng dancer na `yon sa photo na `yon ni Paolo. At dahil lahat ng netizens ngayon ay feeling investigative reporters, kaya agad nilang sinipat-sipat ang naka-tag na lalake, at `yun na nga, nagkanya-kanyang conclusion na nga ang lahat.

Abante Hiring – IT dep

May mga pumabor at nagsabing ‘love wins’ at meron naman na hindi pa rin makapaniwala.

Ang nanay ng anak ni Paolo na si Keira ang sinasabi ng iba na ‘other hand’ sa photo na `yon ni Paolo.

May mga nanghihinayang, pero nagsasabing happy pa rin sila kay Paolo. May mga broken hearted agad-agad, dahil feeling nila, wala na silang chance kay Paolo.

May mga nag-message agad sa naturang dancer/choreographer, at sinabihan itong ‘alagaan’ si Paolo. At may mga nanlait din sa kanya, at sinabing hindi ito bagay kay Paolo.

Anyway, ever since naman, tahimik lang si Paolo pagdating sa pakikipagrelasyon niya. Hindi siya `yung tipong ­itsinitsika sa press ang kung sino ang karelasyon niya nga­yon at kung meron man, o maitanong man `yon sa kanya, idinadaan niya sa tawa ang lahat.

At sa sa contract signing ni Paolo sa Regal Films mga ilang linggo na ang nakalipas, naitanong na namin sa kanya ang tungkol sa ‘relasyon’, o inspirasyon niya.

At heto nga ang sagot niya…

“Wala naman sa ngayon. Basta makita ko na okey ang fami­ly ko, saka ko na isipin ang sarili ko. Kesa naman `yung okey na okey ka nga, pero ang family mo naman, hirap na hirap.

‘Yun lang naman ang pangarap ko, ang maging okey sila, at maging okey rin naman ako. Pag okey na sila, okey na ako,” unang tsika niya tungkol sa pagpupursigi niya na ayusin ang future ng pamilya niya, at pati na rin niya.

So, may lovelife ka ba ngayon?
“Change topic. Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot ni Paolo.

Sa takbo ng tanungan kay Paolo nung time na `yon, doon nga papunta ang gustong tukuyin ng mga manunulat. Kaya inulit namin ang tanong sa kanya kung may lovelife ba siya ngayon.

 “Secret! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang saad pa ulit niya.

Follow up na tanong kay Paolo ay kung nakakadagdag inspirasyon ba ang ‘relasyon’ sa kanya magtrabaho siya nang husto at matupad ang pinapangarap niyang future para sa family niya?

“Siguro. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Pero hindi, ang inspirasyon ko talaga ay ang family ko! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Parang young star ang sagot ko, ha! Hayaan niyo na. Nakaka-artista nga, ‘di ba?” patawa-tawa pa ring sey niya.

Kasama mo raw sa Boracay?
“Ang family ko ang kasama ko sa Boracay.

“Marami akong kasama. Kasama ko ang mga friends ko rin! Ha! Ha! Ha!  Ha!” ayaw paawat sa pagtawa si Paolo sa mga sagot niya.

Anyway, base sa obserbasyon ng mga followers ng dalawa, tila sure na sure sila sa namamagitan kina Paolo at sa naturang dancer/choreographer. Magkapareho raw ang ‘singsing’ ng dalawa, at pareho rin daw ang mga tattoo nila, ha!

Well…