Una sa Balita

PAISTARAN: Boobs ni Paolo B., pang-World Cup!

By
0 244

Sobrang aliw na aliw ako sa mga comments sa mga photos na pinu-post ni Direk Jun Lana sa kanyang Instagram account, na kung saan ay babae-babaehan nga si Paolo Ballesteros, para sa pelikula niyang Die Beautiful.

Lalo na sa mga photos na lutang na lutang ang boobs ni Paolo, na siyempre ay prosthe­tics lang, at hindi naman dumaan sa siyensiya.

Nakakaaliw lang, dahil may mga naniniwala na nagpa-boobs na talaga si Paolo, at marami na ang nagtatanong kung totoong bumigay na raw ba ang binatang ama.

Well, iniisip ko na lang na hindi masyadong updated sa showbiz ang mga followers na nagtatanong na ‘yon tungkol sa ‘boobs’ ni Paolo. Pero ‘yun nga, malinaw po na para sa movie lang ‘yon na dinidirek ni Jun Lana.

Kunsabagay, may mga photos kasi si Paolo na parang akala mo totoong boobs niya ang nasa dibdib niya. May mga naiinggit nga, dahil mas malaki pa raw ang boobs ni Paolo, kesa sa kanila, na mga tunay na babae.

At gaya nga ng caption ni Direk Jun Lana, pang-World Cup ang boobs ni Paolo, ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

Anyway, patuloy nga ang hiling ng mga netizens na sana ay mapanood na nila si Paolo sa Kalyeserye ng Eat Bulaga!

Concert ni Alden sa Laguna ngayong gabi, kanselado ulit!

Kanselado ulit ang concert na Simply Alden ni Alden Richards ngayong gabi, na prod­yus ng JAV Virtual International, Inc., (JAVIRII). Gaganapin nga ito sa FRA Angelico Gym, Colegio De San Juan de Letran, Calamba City, Laguna.

“Gardo, walang panama sa galing ko!” — Carmi

“Ako ang mananalo ngayong gabi!” sabi ni Carmi Martin para sa kalaban niyang si Gardo Verzosa sa Lip Sync Battle Philippines, na mapapanood nga­yong gabi sa GMA 7.

Sey pa ni Carmi, alam na alam na raw niya ang gagawin ni Gardo, at sisiw raw ‘yon sa kanya. Samantalang siya ay bagung-bago at first time lang daw niya gagawin sa buong showbiz career niya.

Kaya ngayon pa lang, kini-claim na niya ang panalo sa banggaan nila ni Gardo, ha!
“Walang panama si Gardo sa gagawin ko!” sey pa rin ni Carmi.

Pero si Gardo naman, buong-buo raw ang kumpiyansa niya na siya ang mananalo ngayong gabi. May acrobats, may pa-sexy, at may lif­ting daw ang mga gagawin niya, at ngayon lang daw makikita ‘yon sa kanya.

Kung noon daw ay medyo bitin ang performance niya, ngayon daw ay itotodo na niya. Kaya nga, sinisigurado rin niya na sa kanya mapupunta ang belt na pinag-aagawan tuwing Sabado ng gabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More