Una sa Balita

PAISTARAN: BIRTHDAY PARTY NI MOTHER, INULAN NG BIYAYA…

By
Mother Lily
0 0
Boots Anson-Rodrigo at Mother Lily
Boots Anson-Rodrigo at Mother Lily

When it rains, it pours, sabi nga. At sa 77th birthday party ni Mother Lily Monteverde last Friday night (Aug. 19) sa Valencia Events Place, ganiyang-ganiyan ang eksena ha.

Nung magsisi­mula na ang birthday party ni Mother, biglang umulan. Pero, dahil ready ang team ni Mother sa ulan, kaya no problem, dahil kahit sa garden, may mga magagandang tent, kaya hindi nabasa ang mga bisita.

When it rains, it pours, dahil hindi talaga nagpaawat ang mga artista, directors, na love na love si Mother na dumagsa sa birthday party niya. Mahirap ngang isa-isahin dahil sure akong may makakalimutan ako, ha!

At siyempre, kapag si Mother Lily ang may birthday, automatic na `yon, na bukod sa mga artista, dagsa rin ang mga pulitiko, na natulungan niya, or naging malapit sa puso niya.

Ilan sa nakita ko ay sina Sen. Grace Poe, na kasama siyempre ang mother niya, ang Queen of PH movies, si Susan Roces.

Deadma nga muna sa pulitika, at ang mahalaga ay ang special na araw na `yon ni Mother. Join din sina Sen. Dick Gordon, Sen. Loren Legarda, at marami pang iba.

Kumpleto rin ang mga friends ni Mother mula sa iba’t ibang antas ng buhay, from negosyo, pati na sa mga kaibigan niya sa school noon, at kung saan-saan pa.

Anyway, special mention ni Mother ang entertainment press sa birthday party niyang `yon, at sabi nga niya, malaking bahagi ng

buhay niya ay nakasama niya ang mga manunulat.

Nakaka-touch nga ang speech ni Mother Lily, na halos sumentro sa pakikipag-friendship niya sa showbiz press, sa mga tulong na nagawa sa kanya, na kahit usong-uso na ngayon ang social media, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal at tiwala niya sa mga manunulat sa showbiz.

When it rains, it pours talaga, dahil nung gabi ring `yon, iba’t ibang parangal ang ibinigay kay Mother Lily, na mula sa MOWELFUND (Movie Workers Welfare Foundation), sa pa­ngunguna ni Tita Boots Anson-Rodrigo.

Ang pagtanaw ng ma­laking utang na loob sa naiambag ni Mother Lily sa mundo ng pelikula ang sentro ng parangal.

At dahil sa tuwa ni Mother Lily, hindi siya nagdalawang isip na mag-donate ng P1.M sa MO­WELFUND, na halos ika-shock ni Tita Boots, dahil hindi niya inaasahan ang magandang gesture na `yon ni Mother Lily.

Sobra-sobra nga ang pasasalamat ni Tita Boots kay Mother Lily…

“Parang hindi ako makakatulog ngayon. Parang sasabog ang dibdib ko sa tuwa,” sey ni Tita Boots.

Bukod pa riyan, binigyan din ng ‘pagkilala’ si Mother Lily ng iba’t ibang grupo ng entertainment press, tulad ng Phi­lippine Movie Press Club (PMPC), at Entertainment Press Society (EnPress).

At siyempre, ng grupo ng mga editors ng broadsheets at tabloids, ang SPEED (Society of Philippine Entertainment E­ditors, Inc., sa pamumuno ni Isah Red, kasama sina Eugene Asis, Jojo Pa­naligan, Salve Asis, Ian Farinas, Gie Trillana, Dinah Ventura, Dindo Balares, Maricris Nicasio, Ervin Santiago, Rhon Romulo, Jerry Olea, Tessa Mauricio-Arriola, Janiz Navida, and your truly.

And again, sa sobrang tuwa ni Mother Lily, hindi siya nagdalawang-isip na mag-donate ng bonggang amount sa bawat grupo.

At naging biruan na nga that night, na baka dumami na ang magtayo ng grupo, at magbigay ng ‘awards’ kay Mother.

But seriously, kung may isang tao sa showbiz na super-deserving na bigyan ng iba’t ibang klaseng awards, dahil sa napaka­laking contribution niya sa showbiz, si Mother Lily Monteverde `yon.

Anyway, bukod sa birthday messages ng mga artista na tulad nina Piolo Pascual (nagsu-shooting sa New Zealand ng movie niya sa Regal, ang Once In A Lifetime with Yen Santos), Derek Ramsay, Jennylyn Mercado, at super-dami pang iba, present din sa party si Ai Ai delas Alas (bida sa Mighty Yaya, prodyus ng Regal Films), na siyang nag-host ng first part ng program sa birthday party ni Mother.

Nakita ko rin sina Sam Milby, Enchong Dee, Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Donna Villa, Direk Carlo J. Caparas, Ali Sotto, Kiray Celis, and again, super-dami pang iba.

Anyway, special thanks kay Miss Pinky Fernando Ramos, na nagbigay ng sangkatu­tak na cupcakes sa party ni Mother.

To Mother Lily, HAPPY BIRTHDAY! Love na love ka namin nina Jun Nardo, Ian Farinas…

Ai Ai at ‘big bosses’ ng ABS-CBN, beso-
beso, tawanan, sa party ni Mother Lily!

Linggit Tan, Ai Ai De Las Alas at Carlo Katigbak
Linggit Tan, Ai Ai De Las Alas at Carlo Katigbak

Sa birthday party pa rin ni Mother Lily, super-aliw ako sa na-witness ko na muling pagkikita nina Miss Linggit Tan, isa sa mga bosses ng ABS-CBN, at ni Ai Ai nga. Pa­lakad si Ai Ai sa stage, at medyo nalampasan niya ang table nina Miss Linggit Tan, at nung pagharap niyang muli, doon na sila nagkita, nagyakapan, at nagtawanan nang husto.

Sobrang na-miss nga nila ang isa’t isa, at halos maluha-luha nga si Ai Ai sa pagkikita nilang `yon. Doon din first time nakilala ni Ai Ai ang president ng ABS-CBN si Mr. Carlo Katigbak, na tawa nang tawa sa mga tsika ni Ai Ai.

Hindi ko masyadong marinig ang tsikahan, pero may kinalaman kaya `yon sa posibilidad na magkatrabaho silang muli? Well, abangan…

Anyway, sa likod naman nila, makikita rin ang halos sabay na picture ta­king nina Ai Ai, Mr. Katigbak, Ms. Linggit Tan, ng isa naman sa mga bosses din ng GMA 7, si Miss Redgie Magno, kay Billy Crawford, na talent ng ABS-CBN.

Sa ganitong sitwasyon, small world nga talaga. Kaya sa mga artistang naglilipat-bahay, wag na wag kayong magsasalita ng against sa mga kumpanya na pinagtrabahuhan niya ng matagal, at tinalikuran after, dahil sure ako, magku-krus ang landas niyo, at sana ay tulad lang ng sitwasyon nina Ai Ai, at ng mga bosses ng ABS-CBN ang maging sitwasyon, na may tawa­nan at yakapan…

Horror Queen Lilia Cuntapay, namaalam na sa edad na 81…

Lilia Cuntapay
Lilia Cuntapay

Paalam sa isang tunay na a­lagad ng sining, ang reyna ng katatakutan, si Miss Lilia Cuntapay. Kahapon ng umaga ay tuluyan na ngang binawian ng buhay ang kilalang Horror Queen na si Lilia Cuntapay, sa Ilocos Norte.

Base sa report ng ABS-CBN News, sumakabilang-buhay sa edad na 81 si Li­lia Cuntapay, sa piling ng kanyang anak na si Gilmore Cuntapay.

Nagkasakit si Lilia Cuntapay kamakailan sa kanyang spinal cord, na dahilan ng kanyang pagkakaospital. Kamakailan din ay nanawagan si Lilia Cuntapay sa pamamagitan ng Facebook sa kanyang mga kaibigan sa showbiz, at mga tagahanga na rin, na tulungan siya sa kanyang sitwasyon.

Ilan sa mga nagbigay na ng kanilang paalam sa pamamagitan ng social media ay sina Direk Joey Reyes, Mon Confiado at Paolo Ballesteros.

Sa pamilya ni Lola Lilia Cuntapay, nakikiramay po kami…