Ayra Mariano, ‘no, no, no’ sa halikan! BRUNO GABRIEL, GAME SA HUBARAN!

PAISTARAN: BENEDICT C., KANASA-NASANG BAKLA! Jazz Ocampo, masarap hubaran!

By

Ang dami na ngang naiintriga sa bagong show ng GMA 7, ang G.R.I.N.D (Get Ready It’s a New Day). Sa ­title pa lang, mukhang palaban na ang bagong show nilang ito.

Bongga rin at mala­kas ang ­dating ng mga tag lines nila na tulad ng ‘Medyo Drama, Pero Hindi Hardcore’, ‘Weekly Serye Na Sakto Lang, Pero Astig’ at ang ‘Young Adult Love Pero May ­Bittersweet Life’.

Well, sa mga ganyang tsika pa lang, at sa timeslot na 11pm tuwing Sabado ­(simula sa August 19), alam mong may kakaibang handog ang GRIND. Alam mong ­hindi ito tulad ng My Love From The Star, o ng Mulawin vs. Ravena, dahil mukhang mambubulaga talaga sila sa tema na ihahain nila.

Suwerte nga ang apat na baguhan na nabigyan ng chance na magbida rito, sina Benedict Campos, Jazz Ocampo, Ayra Mariano at ­Bruno Gabriel.

Big break ito para kay ­Bruno (anak ni Lani Lobangco), ­dahil ang ganda ng role niya. At sa teaser pa lang, naghubad na agad si Bruno sa shower scene.

Say nga ni Bruno, sa set na lang siya sinabihan na kaila­ngan niyang maghubad. At wala ­naman daw problema `yon sa kanya. Hindi naman daw porke nagpapaseksi na, malaswa na.

Sigurado ring matatakam sa kanya ang mga mature women, dahil ang role niya, pumapatol siya sa ­older woman, na empowered at madatung. Pero siyempre, dapat ay may trophy girlfriend siya, para hindi masira ang tingin sa kanya ng publiko.

Marami ­naman ang makaka-relate sa role ni Benedict, na isang ­metro gay. ­Bading pero ­yummy. Bakla pero ka­nasa-nasa. At sa kuwento, pinasok niya ang kung anu-anong raket.

Sa presscon nga, tinanong namin ang director kung wala bang magiging ‘lambi­ngan’ sina Bene­dict at Bruno. Parang bongga rin kasi, na ang mga bidang lalake, big­lang magka­karoon ng ‘pagnanasa’ sa isa’t isa. Ang sagot, pag-iisipan daw nila.

Bidang-bida rin dito si Jazz, na ang name ay ­Solangermina Tamara Martinez, o Solanj. Namesung pa lang niya, kaloka na. Eh, mas kaloka rin ang ­itsura niya, na fashionista, na artsy millennial ang dating.


Sabi ni Jazz, ang layo ng role niya sa tunay na ­buhay, dahil hindi nga naman siya weird magdamit. Pero, in person, malakas ang sex appeal ni Jazz, na siya nga ang tipo ng artista na hahangaring hubaran ng mga boys sa harap ng kamera. Sa kinis, ganda, at kasek­sihan, puwede nga siyang maging pantasya ng mga boys.

At siyempre, bida rin si Ayra, na gaganap naman bilang Lui, na no boyfriend since birth, at posibleng mamatay na virgin. Medyo relate siya sa role niya, pero ang mas nakakabilib sa kanya, ‘yun ay kung mapaninindigan niya, makiki­paghalikan lang siya sa mahal niya.

Sa tunay na buhay, isa raw `yon sa naging problema nu’ng nasa StarStruck pa siya, dahil may challenge na kailangan niyang makipaghalikan sa lalake, pero tumanggi raw talaga siya.

At sa ngayon, ang stand niya riyan, ­ganun pa rin. Ayaw niyang maki­paghalikan, kahit sabihin pang for art sake, at part ng trabaho. Ang gusto tala­ga niya, ang unang makakahalikan niya ay ang mapapangasawa niya.

Ah, well…

Anyway, ang layunin nga ng show na ito ay para mas makilala pa na­ting lahat ang mga millennial. Kung ano ang pananaw nila sa  buhay, sa pamilya, sa relasyon, sa pera, sa career, at sa technology at passion in life.

 

SHARE