Una sa Balita

PAISTARAN: BELA, BET NA BET NG MGA NEGOSYANTENG AFAM…

By
0 3

Mas dumami nga ang mga fans ni Bela Padilla, dahil na rin siguro sa tagumpay ng pelikula nila ni JC Santos, ang 100 Tula Para Kay Stella, na umabot na sa mahi­git 100 million pesos ang kinita.

Katunayan, sa unve­iling ng Hitachi (MRI Hospital Machines) na pinangunahan niya, kita namin na kinagiliwan siya ng mga negosyante, na ang iba ay mula pa sa ibang bansa, tulad ng Singapore, Malaysia, at marami pang iba.

Bukod pa riyan ang mga doktor na naaliw at nagpa-picture talaga sa kanya.

Sabi nga, dahil sa tagumpay ng 100 Tula Para Kay Stella, tila mas kuminang ang dalaga. Kitang-kita na ang aura ng isang box-office star.

Anyway, ang tita ni Bela na si Rema Padilla Ohno, kapatid ni Ro­bin Padilla, ang President and CEO ng HIMEX na distributor ng Hitachi MRI machines.

Ramdam mo ang closeness ni Bela sa ‘Tita’ niya na inilibot talaga siya sa lahat ng table sa Grand Ballroom ng Shangrila The Fort, para makipagtsikahan, at sa photo op na rin.

Anyway, kahapon naman ay patalbugan sa paggiling ang mga ar­tists ng Viva na sina Roxanne Barcelo (bida sa I Found My Heart in Santa Fe), Louise delos Reyes at Phoebe Walker.

Ang bongga nga na mula nung sumampa sa bakuran ng ABS CBN ang tatlo, naging mas palaban, mas bibidahin, at mas maingay na, ha!

Well, wala ka naming itulak-kabigin sa tatlong ito, na pare-parehong maalindog, may kanya-kanyang ganda, at higit sa lahat, mabango sa mga kalalakihan.