Una sa Balita

PAISTARAN: Bea at Liza, gandang walang kapintasan!

By
0 4

Iba talaga pag Kapamilya stars ang nag-show sa abroad, tulad nga nitong show sa Germany nina Bea Alonzo, Liza Soberano, Enrique Gil, Enchong Dee, Matteo Guidicelli, at Pooh.

Ibang-iba dahil super-dagsa talaga ang mga Pinoy para lang mapanood sila at makamayan ng personal o makapagpa-picture man lang sa kanila.

Sabi nga ni Pooh, kakaiba talaga ang pakiramdam kapag nasa abroad sila nagso-show.

Ramdam daw kasi nila ang kaligayahan ng mga pinaliligaya nila at sobrang naa-appreciate raw talaga ng mga kababayan natin doon ang mga ginagawa nila.
Kaya sila raw ay hindi rin nakakaramdam ng pagod.

“Walang sawang pasasalamat sa mga sumuporta sa show ng #TFC #onekapamilyagoGermany2016,” sabi pa ni Pooh sa post niya sa kanyang Instagram account.

Anyway, sa picture ni Pooh na kasama niya sina Bea at Liza, wala ka talagang itulak-kabigin sa ganda ng dalawang Kapamilya stars, ha! Parehong sobrang ganda at perfect na maituturing ang mga mukha nila.

Marami nga kaming nababasa, lalo na ang mga bading, na kung papalitan nila ang mga mukha nila, sina Bea at Liza ang gusto nilang kopyahin. At sa mga boys naman, ang mga ganda nina Liza at Bea ang mga klase ng ganda na hindi nila puwedeng tanggihan pa!

Gabby at Regine, malakas ang chemistry!

Nasaan na nga ba si Lauren Young, ang siteret ni Megan Young? Well, sa Poor Señorita ngayong gabi, mapapanood ninyo si Lauren bilang si Bane.

gabby-regine-001
Gabby Concepcion at Regine Velasquez-Alcasid

At si Bane, gagawin niya ang lahat para mapatawad lang siya ni Paeng (Mikael Daez) pero galit na galit pa rin si Paeng sa kanya. Sinabi niya na nagawa lang niyang mag-Japan para mabuhay ang pamilya niya.

Pero si Paeng nga, kay Rita (Regine Velasquez-Alcasid) gustong makipagbalikan. At siyempre, masakit ‘yon kay Bane.

Meanwhile, Jaime (Gabby Concepcion) has camped out outside of Señorita Scents. Rita could not go anywhere. She could not take it anymore. She confronts Jaime. He asks for forgiveness. In a flashback, he recounts how Deborah (Snooky Serna) talked him into breaking up with Rita so she could leave the country. Rita is shocked at the discovery. Finally, Rita accepts his apology. They forge another friendship.

Kapansin-pansin nga na kahit kay Regine ay malakas ang chemistry ni Gabby. Si Gabby nga yata ang artista na kahit kanino mo ipartner sa ngayon, bumabagay talaga. Matapos ngang mag-partner nila ni Carla Abellana, si Regine naman, at yes, bagay pa rin talaga sila.

Wish nga nila na mabigyan pa ng panibagong project sina Gabby at Regine.