Una sa Balita

PAISTARAN: ALJUR at KYLIE, NAGKABALIKAN sa JAPAN

By
0 106

Japan ang isa sa naging paboritong destinasyon ng mga taga-showbiz ngayong Halloween. Makikita nga sa mga Instagram account ng mga taga-showbiz ang mga aktibidades, parties, at pamamasyal na ginawa nila sa iba’t ibang panig ng Japan.

Kaaliw nga na halos sa Japan na rin nagkita-kita ang mga taga-showbiz, na dito sa Pinas ay malabong magkasama-sama, dahil sa magkakaibang oras ng trabaho nila, at magkakaibang istasyon na pinagtatrabahuhan nila.

Pero, ang Japan nga rin ba ang nagsilbing lugar ng ‘balikan’ ng mag-ex-dyowa na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica?

Sa Instagram ni Kylie, nakalagay na nasa Japan nga siya, 2 or 3 days ago pa. Pero, puro mga solo photos lang niya, o food, notes, ang makikita. Huhulaan mo na lang na may kasama nga siya. At ang tanong lang naman, sino ang kasama niya?

At sa Instagram account ni Aljur Abrenica, Oct. 31 ng gabi, makikita mo ang photo na pinost niya, na kasama nga niya si Kylie. Sa simula, medyo magdududa ka, dahil nakatakip ang isang ‘kamao’ ng girl sa kanyang face, at naka-eyeglasses pa, at maong na jacket ang suot, kaya iisipin mo, na baka isang random na mestisang girl lang iyon.

Pero, ang followers nga mismo, at mga ka-Instagram ni Aljur ang nag-confirm, na si Kylie nga `yon. At oo, parehong naka-smile ang dalawa, na hindi mo nga iisipin na nanggaling sila sa isang sitwasyon, na ayaw mo na talagang balikan.

Aksidente lang ba ang pagkikitang `yon nina Aljur at Kylie? Na tipong pareho kasi silang nagbakasyon sa Japan, at nag-text na okey, kita tayo?

Well, sa video ni Aljur, na 3 days ago pa naka-post, na may hashtag na #disneysea,

makikita sa simula ang parang dalawang necklace na may palawit na ‘watch’.

Parang wala lang ang video na `yon, pero nu’ng biglang nag-panning ang camera, ‘yun na, lumabas na ang mga personalidad, at sina Aljur at Kylie nga `yon, na happy’ng-happy sa ginagawa nila.

At siyempre, happy rin ang mga fans nila, ‘di ba? Aliw na aliw na finally ay nagkabalikan na raw ang mga idolo nila. May mga kinilig siyempre, at may nagsabi naman na hindi pa nagkabalikan ang dalawa, at ‘friends’ lang muna ulit sila.

Pero siyempre, may mga tumututol din, na nagsabing sana ay si Kris Bernal na lang ang isinama ni Aljur sa Japan, at may nagsabi rin na sana ay si Janine Gutierrez na lang ang isinama ni Aljur, dahil mas bagay sila.

May mga nang-i-etchos din kay Kylie, na dapat ay hindi na ito makipagbalikan kay Aljur, dahil nagawa na nitong saktan siya noon. Na kesyo ang lalake nga raw, kapag nakapanakit na ng babae, uulitin at uulitin na lang niya `yon.

Oh, ‘di ba, ang haba na ng tsika, eh, hindi pa nga natin alam kung ano ang totoong kuwento sa Japan trip na `yon nina Aljur at Kylie.

But of course, may magandang kuwento ang Japan trip nilang `yon, na favorable kay Aljur. Remember, may sinabi si Aljur na sa mga naging ex-girlfriend niya, may isa siyang gustong balikan, at pinanghinayangan talaga. At malamang, si Kylie na `yon.

Oh, siya, let’s all be happy na lang for Aljur and Kylie!

Ella Cruz, ‘mah homegirl’ na ni Julian Trono!
Julian, bye-bye Kylie na talaga!

Ella at Julian
Ella at Julian

Ay, teka, tanong ng fans, nasaan na si Julian Trono? Anyare na sa sabi-sabing relasyon nilang dalawa ni Kylie?

Hindi ba, ang daming tsika na kesyo welcome na si Kylie sa family ni Julian? Na madalas nga silang magkasama sa mga lakaran noon.

Anyare na nga ba? Kunsabagay, wala naman silang inamin sa mga tsismis sa kanila. Si Julian, panay lang ang sabi na ‘kaibigan’ lang niya si Kylie. Si Kylie na mas matanda kay Julian, kaya puwedeng ate-ate lang niya ito.

Well,  base sa mga IG photos ni Julian, nandito lang siya sa Pinas, at panay nga ang posts niya ng mga selfie photos niya, na naka-Chuckie costume, na may hawak na gunting.

Ang creepy nga raw ng mga photos ni Julian, na parang galit na galit. Dahil daw ba `yon kina Aljur at Kylie na magkasama sa Japan?

“Hi I’m Chuckie, wanna play?” caption ni Julian sa photo niya.

Na sinagot ng mga followers niya ng, ‘sure, laro tayo, taguan ng feelings’ na parang parinig pa rin kina Kylie at Aljur. Well, tsikahan lang naman `yan ng mga fans niya.

Ang alam ko, sa ngayon, si Ella Cruz ang tinatawag na ‘mah homegirl’ ni Julian, ha!

Kaloka, sanga-sangang tsikahan!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy