Una sa Balita

PAISTARAN: ALINDOG NI MAJA, ‘INIREGALO’ SA 3M FANS!

By
0 5
Maja Salvador
Maja Salvador

Umabot na sa 3 milyon ang followers ni Maja Salvador sa Instagram. At bilang selebrasyon at regalo na rin sa kanyang mga followers, mga slight na paseksing photos ang pinost niya, na ini-enjoy ngayon ng kanyang mga fans.

At hindi lang mga Pinoy ang nagi-enjoy sa alindog ni Maja, dahil kahit ang mga kalapit-bansa natin, tulad ng Indonesia, na kung saan ay pinapalabas ang mga teleserye ng ABS-CBN, humahanga talaga sa kanya.

“@dianaroese88: I’m from Indonesia. I fans you and now I watch your drama in MNCTV.”

“@borgozanarose: Natural beauty.”

“@superfanmaja15: Witwew! Mainit kapa sa kape Maja, hehehe enjoy…”

“@amylovu2: Grabeeee ka Maja, stunning, so pretty.”

“@lamar1987: Hi Maja, keep up the good work, I love watching you as Ivy.”

“@lakas_paumaj: Mas gumaganda ka kamajalan pag walang makeup. #majasalvador.

“@_shane08: Ms. Aguas @iammajasalvador u are such a WOW!”

“@maricellabadero: Hi Ms. Maja ganda mo talaga.”

“@lacsybabe: Happy 3M followers!”

“@peytoninmanliclic: Sana makapasyal ka naman dito sa HAWAII!”

“@maja_first: Happy 3M followers, gandang ‘di pagsasawaang tingnan.”

ASSUNTA, MAGHIHIGANTI!

Assunta de Rossi
Assunta de Rossi

Sa henerasyon ni Assunta de Rossi ay masasabing isa siya sa pinakamahusay na aktres sa Pelikulang Pilipino. At ang Gawad Urian Best Actress para sa film niyang Hubog noong 2001 ang pruweba.

At sa March 22, muli ngang mapapanood ang husay ni Assunta sa pelikulang Higanti (Revenge), na isang pasabog na action-dramang pelikula na tuma­talakay kung paanong ang isang matapang at mapagmahal na babae ay lalaban upang makuha nitong muli ang lahat ng bagay na ninakaw sa kanya.

After 16 years ay muli nga silang nagsama ni Jay Manalo sa Higanti, na mula sa direksiyon ni Rommel Ricafort. Si Jay ay kilala ring mahusay na aktor at pruweba ang sandamakmak na awards na napanalunan na niya.

Ang Higanti ay prodyus ng Gitana Film Productions, na may logline na Lintik Lang Ang Walang Higanti!. Kasama rin sa pelikula sina Meg Imperial, Katrina Halili, Jon Lucas (Hashtags, It’s Showtime), Kiko Matos, DJ Durano, Alwyn Uytingco at iba pa.