Una sa Balita

PAISTARAN: Alden at Jake E., mga katakam-takam na zombies!

By
0 172

Tatakbo ka ba, kung sina Alden Richards at Jake Ejercito ang mga zombies na hahabol sa iyo? Siyempre hindi, sagot ng followers ng dalawa.

Eh kasi naman, kahit na naka-costume sila ng zombies, ang gwapo-gwapo pa rin. Dinumihan na nga ang mga mukha nila, ginagawang nakakatakot, pero instead na matakot ka, lalo ka pang lalapit, para mahalikan sila, dahil ang sasarap talaga nila.

Anyway, nauna na ngang nag-Halloween party­ ang mga Dabarkads ng Eat Bulaga. Makikita nga ang mga pinag-effort-an nilang costume, like si Taki (bida ng Trops), na super-gandang white lady.­ At si Pia Guanio na mala-Valentine,­ na puno ng ahas, at Patricia­ Tumulak, na naka-Darna ­costume, pero katakot ang ­kalahating mukha.

Pero siyempre, super-kuwela para sa lahat ang costume ni Ruby, na mala-Kampanerang Kuba. Aba, ang hirap nga naman panindigan ‘yon, na palagi kang nakayuko, para lang lumutang ang ­umbok sa likod mo. Eh, si Ruby pa, na alam naman ­nating masyoba.

Sarah, mas energized at motivated ngayon!

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

Feel na feel na ang pagbabalik ng Popstar ­Royalty na si Sarah Geronimo, after niyang magbakasyon ng 2 months.

“Yes, 100% back na ako. ‘Yung mindset ko is tala­gang energized, mas motivated to work even harder.­ Kasi dumarating din sa stage ng buhay natin na ano ba ‘yung purpose ko, bakit ko ba ito ginagawa, ano ba ‘yung kulang? And then I realized na you don’t work for other people to please them.

“‘Yung main goal mo dapat is to share ­whatever you have. Kung ano ‘yung ibinigay sa‘yo ng ­Panginoon, regardless kung magbunga siya ng konti or sangkatutak. Ang pinaka-importante is to glorify and honor Him sa kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo,” say ni Sarah.

Magpo-focus daw muna siya sa pagkanta ­ngayon.

“I’d like to focus more sa music ko at i-promote ‘yung mga nakaraang album ko. Hindi ko kasi ta­laga na-promote nang maayos. We are planning na talagang mailabas ‘yung magagandang tracks dito sa latest album ko.

“Sa movies, pitching pa lang muna. Concert planning stage pa lang din po, TV shows, wala pa po,” ­sabi pa rin ng Female Concert Performer of the Year ng Star Award for M-TV.

Pero, siguradong matutuwa ang mga fans ni ­Sarah, dahil magkakaroon muna siya ng special show para sa album niyang The Great Unknown (Platinum na), ang Sarah Geronimo The Great ­Unknown Unplugged, na gaganapin sa Kia ­Theater, sa November 29.

Para sa detalye, tawag na sa 911-555 or Viva Live 687-7236.

Sunshine at Macky Mathay, lantaran na ang relasyon!

Wow, lantaran na nga ang ‘relasyon’ nina Macky Mathay at Sunshine Cruz. Makikita na nga sa Instagram account ni Macky ang mga photos nila ng dyowa niyang si Sunshine.

“@mackymathay: I miss my #Behrouzpartner so much. #mySunshine. #SuMac.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More