Una sa Balita

PAISTARAN: “AI AI, ‘PANG-BEAUTY QUEEN’ ANG AURA!” — MEGAN

By
0 1

Feeling teen-ager ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, dahil sa walang kapagurang paglilibot niya sa iba’t ibang palengke at malls sa Pilipinas. Kulang na lang, lumipad na rin patungong Visayas at Mindanao si Ai Ai, para i-promote pa ang movie niyang Our Mighty Yaya, na palabas na sa May 10.

“Kung puwede nga lang na pati sa Hong Kong at Singapore, mag-promote ako. Gagawin ko talaga. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Hindi ako mapapagod magpasaya, lalo na at nakikita kong ang saya-saya ng mga tao kapag nakikita ako. Ang sarap ng feeling na sinasalubong nila ako, tuwang-tuwa sila. May iba pa na matatanda na naiiyak kapag nayayakap at nahahalikan ko,” kuwento ni Ai Ai.

Abante Hiring – IT dep

Ganado nga si Ai Ai na ibenta sa publiko ang Our Mighty Yaya, dahil alam na alam niya na matutuwa at magagandahan ang mga manonood sa movie nila na dinirek ni Joey Reyes.

“Iba talaga ang vibes ko sa movie na ito. Sabi ko nga, ang mga tao talaga ngayon, gusto nila na matawa, kaya heto ang nakakatawa ang ibinigay namin sa kanila,” tsika pa ni Ai Ai.

“Nakakatuwa talaga dahil ang daming tao. Yehey! Maraming salamat talaga sa pagsama sa lahat ng mga mall tours ko at palengke tours,” dugtong pa ni Ai Ai.

Siyanga pala, sa tsikahan namin noon kay Megan Young, sinabi niya na puwedng-puwedeng maging beauty queen si Ai Ai, kung nagkataong bata-bata pa ito, at single, o walang mga anak. Para kay Megan, kung siya ang hurado, panalo sa kanya ang Comedy Queen. Dahil ang pagiging beauty queen naman daw, hindi lang ito tungkol sa kagandahan ng mukha, at kaseksihan ng katawan, kundi sa kung ano ang ang nasa kalooban mo.

Sa pagkakilala raw niya kay Ai Ai, sa ginagawa nitong pag-aalaga sa mga taong mahal niya, at kahit sa mga taong hindi niya kaanu-ano, ganu’n daw ang katangian na dapat para sa isang beauty queen.

KIM-GERALD ‘BALIKAN’, INIYAKAN NG FANS!

GERALD AT KIM

Isa pang wala ring kapaguran sa pagpu-promote naman ng bago nilang teleserye ay si Kim Chiu. Ang bongga lang ni Kim, dahil halos nalibot na rin yata niya ang lahat ng TV shows sa ABS-CBN, kasama ang mga ‘lalake’ sa buhay niya na sina Gerald Anderson at Jake Cuenca, para ipagkalat lang ang magang kuwento ng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Napanood ko na ang isang linggong episodes ng Ikaw Lang Ang Iibigin, na pinalabas last Sunday night sa TriNoma, at sa umpisa pa lang, ramdam na ramdam na agad ang mga ‘problema’ o kapahamakan ng karakter na ginagampanan ni Kim.

Sa unang limang episodes pa lang, lumulutang na agad ang ‘kasamaan’ ni Jake. At ang isa pang banta sa buhay ni Kim, ang karakter naman ni Coleen Garcia.

Pero siyempre, lutang na lutang din agad ang karakter naman ni Gerald Anderson, na siyang magtatanggol kay Kim. May mga bago ring pauusuhin si Gerald na magugustuhan ng mga millennial.

Anyway, buhay na buhay nga ang Kimerald. Ilang taon din silang nanahimik, pero sa pagbabalik-tambalan ng dalawang idolo nila, makalipas ang mahabang panahon, heto at buo na naman sila.

Ang lalakas ng tilian sa konting tinginan lang nina Kim at Gerald, ha! Hindi pa rin nawawala ang magic ng tandem nilang dalawa.

Kaloka lang, dahil may mga naiyak sa pagbabalikan nina Kim at Gerald sa TV, ha! Ganu’n sila kabaliw sa dalawa.

Ang Ikaw Lang Ang Iibigin ay napapanood bago ang It’s Showtime.