Una sa Balita

PAISTARAN: AI AI, NALUSAW ANG PUSO SA PAPURI NINA VILMA, SHARON, JUDAY!

By
0 56
Ai Ai delas Alas
Ai Ai delas Alas

Hindi matapus-­tapos ang pagbati ng mga kapwa niya artista kay Ai Ai delas Alas, dahil sa pagwa­wagi niya bilang best female actor sa katatapos lang na Queens World Film Festival sa New York, USA.

Lusaw na lusaw nga ang malambot na puso ni Ai Ai sa pagbati ng mga kapatid niya sa showbiz, at pati na rin ng mga fans na nagmamahal sa kanya.

Maagap nga ang na­ging pagbati ng mga mahuhusay na aktres na ­tulad ni Judy Ann Santos at Megastar Sharon Cuneta­ sa Comedy Queen, na puwede na ring tawaging ­Drama Queen, ha (dahil drama ang pelikulang Area, na nagpanalo sa kanya sa QWFF)!

“Galing!!! Congrats neybor!” sabi ni Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday).

 “Thank you neybor pinag-usapan ka pa lang ­namin ni darling nakita kita sa IG ang payat mo na wohoooo!” sey naman ni Ai Ai.

“Congratulations my dear BFF!” masayang sabi naman ni Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta).

“Thank you BFF miss u and labyu!” sagot naman ni Ai Ai kay Shawie.

Hindi rin nagpakabog ang mga kasamahan niya sa GMA, tulad ni Jennylyn Mercado, na award-winning actress na rin.

“Yiheeew!!! Congrats Ate!” sey ni Jennylyn Mercado (@mercadojenny).

“Thank you Jen, ganda!” sagot naman ni Ai Ai kay Jen.

“Congratulations!” pagbati naman ni Eugene Domingo (@miss_eugenedomingo).

Vilma, Sharon at Judy Ann
Vilma, Sharon at Judy Ann

Marami pang ibang artista na mga nakasama ni Ai Ai ang bumati sa ­kanya sa Instagram wall niya, at malamang pati sa mga text messages. Pero, ang isa talaga sa nakapagpasaya kay Ai Ai ay ang pagbati ni Star for all Seasons at Cong. Vilma Santos-Recto.

Heto ang palitan ng text messages nina Ate Vi at Ai Ai:

“Ai my friend!!!!

“CONGRATULATIONS! I’m proud of you Friend!! Misssss you so much! Pasensya na at busy sobra beauty ko. Daming dapat gawin sa congress at ngayon break ang congress sa Lipa naman ako. I love you and proud of you Ai. Alam mo yan. Dito lang ako palagi a text away!!! Ok? Keep it up!” sey ni Ate Vi kay Ai Ai.

“Thank you Congresswoman ate Vi!!!!! I miss you and I love you. ­Dalawin kita minsan pag wala kang pasokkkk. I will always be your number 1 fan. Love you more more…God bless you. Yes Ate Vi ikaw ang idol ko kaya ­ginagalingan ko. hahahahaha!” sagot naman ni Ai Ai kay Ate Vi.

Hindi pa roon nagtapos, dahil sa caption, isang bonggang message pa rin ang ginawa ni Ai Ai para sa kanyang idolo.

“You will always be my idol Cong. Vilma Santos-Recto and will always love you… My great respect and love for you until the end of time. Hehehehe. Mahal na mahal kita Ate Vi. Maraming salamat…”

Anyway, tuwang-tuwa rin sina Mother Lily Monteverde at Roselle ­Monteverde sa pagwawagi ni Ai Ai. Magiging malaking tulong nga raw ito sa pelikula ni Ai Ai na The Mighty Yaya, na bagama’t comedy, swak pa rin sa puso ng karamihan, lalo na ng mga ina, at yaya.

Alay nga ni Ai Ai ang movie na ito sa mga yaya at mga ina, at ipalalabas ito sa May, na Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment.