Una sa Balita

PAISTARAN: Ai Ai, may malaking announcement next week!

By
Ai Ai delas Alas
0 5

Dapat sana ay may presscon si Ai Ai delas Alas ngayong tanghali para sa pelikulang Area. Pero, kinan­sela niya ito.

“Next week na lang. May ia-announce ako!” sabi ng Comedy Queen.

Sa Instagram account ni Ai Ai, makikita mo nga ang walang katapusang pasasalamat sa Diyos, at sa mga santo.

Abante Hiring – IT dep

“Perpetual Help, Mama Mary’s day today. First Wednesday. Thank you po Mama sa napakagandang gift niyo ni LORD sa akin. TO GOD BE THE ­GLORY,” post ni Ai Ai.

‘Exciting’, message ko kay Ai Ai.

“Exciting talaga! One of a kind! Wohoooo!” sagot niya.

Tuluy-tuloy rin ang pasasalamat ni Ai Ai sa kanyang IG, at pagpapakita ng sitwasyon niya ngayon, na happy nga at good vibes. Kaya lalong mas marami ang nagka-interest sa kung ano ba ang ia-announce niyang `yon.

Pero sabi nga niya, wala raw kinalaman `yon sa lovelife niya. Tungkol daw `yon sa kanya, at sa magandang biyaya sa kanya ng Diyos.

Kanya-kanyang hula ang lahat. Nanalo kaya siya ng best actress? Nanalo ba siya sa lotto? Buntis kaya siya? Babalik ba siya sa ABS-CBN?

Well…

‘Higanti’, mapapanood sa HK,
S’pore, Dubai, Europe at USA!

Assunta de Rossi
Assunta de Rossi

Ang bongga lang ng pelikulang Higanti ng Gitana Films, ha! Aba, puro nagbida silang lahat noon, ha! Tulad nga nina Jay Manalo, Assunta de Rossi, Katrina Halili, Meg Imperial, Kiko Matos, Alwyn Uytingco, DJ Durano, at marami pang iba.

Anyway, ang executive producer ng Gitana na si Maria Teresa T. Cancio ay hindi na bago sa showbiz, dahil nakapagprodyus na siya noon ng pelikulang Sa Pag-ikot Ng Mundo, 30 years ago, na ang bida ay si Gloria Diaz, kasama sina Eddie Garcia at Ronaldo Valdez.

Ang Higanti ay tungkol sa struggle ng babae na muntik mawalan ng mga anak at kayamanan, at buhay na rin.

Una nga itong mapapanood sa Hong Kong sa hu­ling linggo ng October, at kasunod na sa Singapore, Dubai, Europe at USA.

Gutom Jones, Cher Gil at White Lady Gaga,
magpapasiklab sa Celebrity Duets!

Tuluy-tuloy ang round 2 ng ma­tinding biritawanan sa Superstar Duets ngayong Sabado.

Humanda na sa mas pasabog na duets na hinanda ng tatlo sa ating mga paboritong celebrity contestants kasama ang bagong batch ng international superstars na makaka-tandem nila.

Ang sweet siren na si Denise Barbacena, may isang magical na performance kasama ang first rate diva na si Cher Gil. Si Jerald Napoles naman, ­bubusugin tayong lahat sa explosive song number na ­hinanda nila ng music icon na si Gutom Jones. Habang si Divine, may nakakalokang monster performance kasama ang pop idol na si White Lady Gaga.

Bukod sa tatlong bonggang duets, abangan din ang nakaka-indak na surprise number mula sa ating super judges na sina Christian Bautista, Aicelle ­Santos at Allan K.

Sino sa mga contestants ang magiging safe at ­sinu-sino ang kukumpleto ng bottom group na ­sasalang sa next elimination? Alamin ngayong ­Sabado ng gabi sa Superstar Duets pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA7.