Una sa Balita

PAISTARAN: AI AI, DREAM MAKIPAG-TARAYAN KAY ATE VI!

By
0 44

Sa trailer pa lang ng The Mighty Yaya, ang latest movie ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, under Regal Entertainment, ramdam mo na agad na sasakit ang tiyan mo sa kakatawa.

Sa itsura pa lang ni Ai Ai, nakakatawa na, dahil mas pinalaki ang mga ipin niya, pinakapal ang mga kilay niya, at nagmukha talaga siyang ‘chaka’.

At ngayong 2017 nga, target naman ni Ai Ai na gumanap bilang seryosong bilyonarya. Mala-Hollywood star na pa-English-English ang bet niyang gawin sa harap ng kamera.

At kung puwede, ang idol niyang si Cong. Vilma Santos ang makasama niya.

“Gusto ko naman mayaman ang role ko. ‘Yung seryso na nag-i-English ako. Kasi lahat ng role ko, puro mahirap ako. Lagi na lang mahirap. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nila ako binibigyan ng mayaman na role.

“Dapat bilyonarya talaga ako. Titingnan ko kung effective ako bilang mayaman. Gusto ko mahaba na role na mayaman talaga. Mas bongga nga `yon, eh.

“At gusto ko talaga na makasama si Ate Vi. Ang tagal-tagal ko na siyang tina-target na makasama. Eh kaya lang, paano nga? Eh, alam mo naman si Ate Vi, masipag talaga. At kina-career iya ang pagiging Congresswoman niya.

“Pero, ang gusto ko mayaman ako, tapos mahirap lang siya. Tapos aapi-apihin ko siya. Pero, later on, ako naman ang maghihirap, at siya naman ang yayaman. Ako naman ang aapihin niya! Ha! Ha! Ha! Ha!

“May story na, ‘di ba? Pero, sa huli magkakasundo rin kami siyempre,” natatawang kuwento ni Ai Ai.

Inamin din ni Ai Ai na nami-miss na niyang gumawa ng teleserye. Pero, hanggang July na nga lang daw ang kontrata niya sa GMA 7. Magri-renew ka ba?

“Tingnan natin. Teka muna. ‘Wag niyo naman ako i-judge.”

Green card holder nga si Ai Ai, at pagkatapos ng kontrata niya, may gagawin siya na siguradong ikaka-miss ng mga fans niya.

“Basta after ng contract ko sa GMA, gagawin ko `yon. Noon ko pa balak ‘yon. Kahit hindi pa ako nag-i-expire. Pero, hinihintay ko lang ang expiration, para wala akong masaga­saan na kontrata.”

Baka naman may tampo siya sa GMA? Natupad ba ang kontrata mo sa GMA?

“Hindi ko alam. Pero, ang kontrata ko talaga ay itong da­lawang show, ang Hay Bahay at Sunday Pinasaya. So, okey lang…” sagot niya.

“Pero, sana magka-teleserye rin ako. Para daily naman ako napapanood. Kasi, parehong weekend ‘yung mga shows ko.

“Ayoko naman ng weekend beauty lang ako. Gusto ko ­everyday beauty ako! Ha! Ha! Ha! Ha!
“So, sana magka-teleserye naman ako. ‘Yun lang naman!

“Pero, nandiyan naman si Boy Abunda (manager ni Ai Ai), so kaya naman niya ‘yon. Siya na ang bahala,” tsika na lang ni Ai Ai.

Anyway, pumirma nga ulit ng kontrata si Ai Ai bilang ambassador ng Hobe Pancit Bihon.

Prangkahang sinabi nga ni Mr. Bobby Co, ang owner ng Hobe, na mula nung kinuha nila si Ai Ai bilang endorser, umakyat ng mahigit sa 50% ang sales nila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy