PAISTARAN: AI AI, BEST FEMALE ACTOR SA NEW YORK QUEENS…

NATULALA, NAIYAK, NAPALUHOD!

By

Super-gandang morning ang naranasan ni Comed­y Queen Ai Ai delas Alas kahapon, dahil na rin sa sunud-sunod na pagbati, at magandang balita na dumating sa kanya, na imported pa galing sa New York, USA.

Well, tinanghal ngang Best Female Actor si Ai Ai sa katatapos lang ng New York Queens Film Festival. At heto ang kanyang madamdaming speech, na sana ay nagawa niya kung natuloy lang siyang magpunta sa US:

“@msaiaidelasalas: Napakagandang umaga sa ­inyong lahat… Nagising ako at ito ang balita… Maraming salamat QUEENS WORLD INTERNATIONAL FESTIVAL AWARDS PARA SA PAGKAPANALO KO…

“Pagkagising ko at sinabi ni Gerald (Sibayan), natulala ako sabay iyak, sabay luhod at umiyak sa pa­sasalamat at nangi­nginig pa katawan ko (buti wala ako sa NYC kasi baka mahimatay ako at di ko rin makuha ang award hahah comedy ­talaga).

“Nais kong ibahagi ang award na ito sa aming producer BG PRODUCTIONS Tita Baby salamat, Ferdy Lapuz, Dennis Evangelista, at sa lahat ng crew and staff ng BG.

“Sa aming napakabait na director, Louie Ignacio. Salamat Direk sa pagtyatyaga mo sa first scene na ‘yun kung hindi mo ko tinulungan sa eksena ‘di ‘yun magiging posible…

“Nais ko ibahagi sa aking mga co-nominated na mga aktres sa ibang bansa…

“I want to dedicate this award sa mga anak ko Sancho, Shaun, Sohpia, Andrei, at kay darl Gerald. Kayo ang inspirasyon kong maging mahusay sa trabaho ko…

“Sa aking pamilya kay Mother Justa, salamat Mama… At sa lahat ng mga nagmamahal at nagdasal para sa akin… Maraming-maraming salamat po..

TROPHY ni Ai Ai delas Alas
TROPHY ni Ai Ai delas Alas

“And MAMA MARY thank you pinakinggan mo ang HILING ko sa’yo na ibaling mo sa makapangyarihan mong anak ang mga hiling ng aking puso… AND TO GOD THE ALMIGHTY, LORD JESUS CHRIST WALANG HANGGANG PASASALAMAT SA PAGMAMAHAL AT LAHAT NG BLESSINGS NA IBINIBIGAY NYO…


“I LOVE YOU PO…” sabi pa ni Ai Ai.

Well, first time nga yata ito ni Ai Ai na manalo ng international award sa pelikula. At super-gandang blessing nga ito.

Ang isa sa masaya sa pangyayaring ito ay si Mother Lily Monteverde. Si Mother nga kasi ang producer ng pelikulang The Mighty Yaya, ang kakaibang movie ni Ai Ai, na kung saan ay binago rin talaga ang itsura niya.


SHARE